PFP lauds arrest of 2 suspects in the illegal solicitation of million-peso campaign fund for UniTeam

2 February 2022

THE Partido Federal ng Pilipinas (PFP) commended the Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) following the arrest of two suspects tagged in the illegal solicitation of millions of pesos in campaign contributions for the UniTeam.

Retired Gen. Thompson Lantion, secretary-general of the PFP, said the police did a great job in stopping the criminals from taking advantage of the people's genuine support and love for Bongbong Marcos and Inday Sara Duterte, by asking huge campaign contributions from the unsuspecting victims.

“We commend the leadership of PNP chief Gen. Dionardo Carlos and PNP-CIDG chief Maj. Gen. Albert Ferro for a job well done. Umaasa kaming mahihinto na ang pagsasamantala sa ating mga kababayan, lalo na ang milyun-milyong mga tagasuporta ng BBM-Sara UniTeam,” Lantion said.

Ferro identified the arrested suspects as Reynaldo Llorin, 64; and Rolly Balazon, 53, both residents of Omicron Street, RT Gonzales Village, Quezon City.

Two of their cohorts identified as Isidro Sososco, councilor of Bgy. Aurelio, San Jose, Dinagat Island; and Ma. Buen Bajar Castillo, who is now running for municipal councilor of San Jose, Dinagat Island, managed to escape.

The police official said the suspects were leaders of the Bangon Bagong Maharlika Movement who presented themselves as allies of the BBM-Sara UniTeam, which Lantion denied.

“Wala po kaming grupo na pinapayagang mag-solicit sa ating mga kababayan. Kaya nananawagan kami sa mga tagasuporta ni BBM na mag-ingat sa mga ganitong klaseng modus. Huwag po kayong matakot mag-report dahil tiyak mahuhuli sila ng ating mga awtoridad,” added Lantion.

The suspects were collared by the elements of the CIDG-National Capital Region led by Police Col. Randy Glenn Silvio in an entrapment operation following complaints from many of their victims.

It was gathered that the main targets of the suspects were independent mayoralty candidates from the provinces, as well as some overseas Filipino workers and private businesses who were willing to support the campaign of Bongbong and Sara.

Their modus operandi was to ask big sums of money from local bets in exchange for the supposed support of Bongbong and Sara by raising their arms during the sorties in their localities.

That prospect however is apparently remote since the tandem has pre-scheduled activities even before embarking on rallies.

On the other hand, the suspects duped OFWs and private businesses by demanding money from them supposedly as additional funding for the campaign of the UniTeam.

According to Ferro, the syndicate targeted only BBM and Sara because they were the leading candidates in the coming elections and have proven to be an inch away from winning the presidency and vice-presidency, respectively.

“Ang BBM-Sara UniTeam kasi ang pinakamalakas na ticket sa darating na halalan, kaya talagang sila ang tatargetin at gagamitin ng mga sindikato para makapanloko at mangalap ng salapi sa iligal na paraan,” he said.

In a related development, Ferro said they are also checking the suspects' backgrounds to determine if they were also involved in the reported plan by some groups to assassinate Bongbong to stop him from winning the presidency.

-30-

FILIPINO VERSION

Lakas ng suporta sa UniTeam ginagamit sa panloloko!

2 SUSPEK SA ILIGAL NA PANGHIHINGI NG CAMPAIGN DONATION ARESTADO

BINIGYANG-PUGAY ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang ginawang pag-aresto ng Philippine National Police– Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa dalawang tao na responsable sa panloloko at iligal na pag-solicit ng campaign fund para sa BBM-Sara UniTeam na umabot na sa milyon-milyong pisong halaga.

Ayon kay retired Gen. Thompson Lantion, secretary-general ng PFP, malaking bagay ang ginawa ng PNP-CIDG upang masugpo ang mga grupong nagsasamantala para lamang makapag-solicit ng ilegal sa kandidatura ng standard bearer ng partido na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.  at running-mate na si Inday Sara Duterte.

“We commend the leadership of PNP chief Gen. Dionardo Carlos and PNP-CIDG chief Maj. Gen. Albert Ferro for a job well done. Umaasa kaming mahihinto na ang pagsasamantala sa ating mga kababayan, lalo na ang milyun-milyong taga-suporta ng BBM-Sara UniTeam,” ani Lantion.

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni Ferro na ang suspect na sina Reynaldo Llorin, 64; at Rolly Balazon, 53, kapwa residente ng Omicron Street, RT Gonzales Village, Quezon City ay naaresto ng CIDG-National Capital Region sa pangunguna ni Police Col. Randy Glenn Silvio.

Ayon kay Gen. Ferro, bukod tanging tambalan nina BBM at Sara lamang ang target ng sindikato dahil sila ang mga nangungunang kandidato at halos tiyak na ang tagumpay sa national elections.

“Dahil UniTeam ang pinakamalakas na kandidato ngayon sa nalalapit na halalan kaya sila rin ang paboritong gamitin ng sindikato sa pangongolekta ng pera sa ilegal na paraan,” sabi ni Ferro.

Nabatid na bukod sa matagal nang nakatatanggap ng sumbong ang pulisya hinggil sa multi-milyong peso scam, isang private complainant din ang dumulog sa tanggapan ni Col. Silvio dahil sa pagso-solicit ng mga suspect ng pera para sa kampanya.

Kaagad nagsagawa ng entrapment operation ang grupo ni Silvio na naging daan upang maaresto ang mga suspect, samantalang dalawang kasamahan nito ang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Sila ay kinilalang sina Isidro Sososco, kagawad ng Bgy. Aurelio, San Jose, Dinagat Island; at Ma. Buen Bajar Castillo na tumatakbo ngayong municipal councilor ng San Jose, Dinagat Island.

Sinabi ni Ferro na ang mga suspek ay nagpapakilalang mga pinuno ng  Bangon Bagong Maharlika Movement na nagpapakilalang kaalyado ng BBM-Sara UniTeam, bagay na itinanggi ni Lantion.

“Wala po kaming grupo na pinapayagang mag-solicit sa ating mga kababayan. Kaya nananawagan kami sa mga taga-suporta ni BBM na mag-ingat sa mga ganitong klaseng modus. Huwag po kayong matakot magreport dahil tiyak mahuhuli sila ng ating mga awtoridad,” sabi pa ni Lantion.

Ayon sa report, karamihan sa nabibiktima ng mga suspek ay mga independent mayoralty candidate sa mga probinsiya at mga overseas Filipino workers (OFWs).

Pinapangakuan ng mga suspek ang mga lokal na kandidato na i-eendorso ng UniTeam, kapalit ng malaking halaga ng salapi, habang ang mga OFWs at ibang pribadong kompanya ay hinihingan din nila ng pera bilang pandagdag pondo umano sa kampanya ng tambalan.

Samantala, pinasalamatan din ng PFP ang ipinalabas na pahayag ni Ferro na kasama sa ginagawa nilang imbestigasyon ngayon ay kung ang grupo ng mga suspek ay sangkot din sa sinasabing ‘assassination plot’ laban kay BBM.

-30-