People's Taliba : Mga opisyal sa ika-4 distrito ng Leyte sumuporta sa BBM-Sara tandem

11 April 2022

By Ryan Ponce Pacpaco | People's Taliba

SUPORTADO ng mga opisyal sa ika-apat na distrito ng Leyte sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte.

Pinangunahan nina Rep. Lucy Torres-Gomez, at mister nitong si Ormoc City Mayor Richard Gomez ang mga opisyal na nagpahayag ng suporta.

Binigyan-diin ni Torres-Gomez ang kahalagahan na pakinggan ang panawagan ng UniTeam tandem na magkaisa para sa kapakanan ng bansa.

“We always say that it is an act of God, the presidency is destiny. And if it is in God’s will for this man to be our next President, I know that he will be the best that we ever have in this country,” sabi ni Torres-Gomez.

Ang iba pang opisyal na sumuporta sa BBM-Sara tandem ay sina Ormoc Vice Mayor Toto Locsin, Merida Mayor Lando Villacencio, Matag-ob Mayor Mike Danguillas, dating Palumpon Mayor Georgina Arevalo, dating Isabel Vice Mayor TJ Alcantara, Kanganga Mayor Matt Torres, Albuera Mayor Sixto dela Victoria, at provincial board members Ninoy Arevalo at Vince Rama.

Nauna rito ay nagpahayag din ng suporta sa BBM-Sara tandem si Leyte Gov. Leopoldo Dominico Petilla at dating Energy secretary at gubernatorial candidate Jericho Petilla, Southern Leyte Gov. Damian Mercado at Vice Gov. Christopher Yap.