By Ryan Ponce Pacpaco | People's Taliba
NAKIPAGPULONG si presidential frontrunner Ferdinand Marcos Jr. sa ilang gubernador upang pag-usapan kung papaano mapoproteksyunan ang boto ng UniTeam.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at spokesperson ni Marcos dumalo sa pagpupulong sa BBM Headquarters sa Mandaluyong sina:
– Cavite Gov Jonvic Remulla
– Laguna Gov Ramil Hernandez
– Zamboanga del Norte Gov Berto Uy
– Agusan del Norte Gov Dale Corvera
– Siquijor Gov Zaldy Villa
– Benguet Gov Melchor Diclas
– Antique Gov Dodot Cadiao
– Negros Oriental Gov Roel Degamo
– Southern Leyte Gov Damian Mercado, at
– Quirino Gov Dax Cua
Ang pagpupulong ay ginawa 11 araw bago ang halalan.
Nauna ng nanawagan si Marcos sa kanyang mga suporter na bumoto at proteksyunan ang kanilang boto.