People's Taliba : Landslide victory ibibigay ng Cavite sa BBM-Sara tandem

23 March 2022

By Ryan Ponce Pacpaco | People's Taliba

NAGSAMA-SAMA ang mga malalaking pangalan sa pulitika sa lalawigan ng Cavite upang ibigay ang landslide victory kina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte.

Sinabi ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na nagsama ang kanyang pamilya at ang pamilya ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. upang selyohan ang panalo nina Marcos at Duterte sa kanilang lalawigan.

Ang Cavite ay mayroong 2.3 milyong botante, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Nagpasalamat naman si Duterte sa mainit na pagtanggap sa UniTeam ng mga taga-Cavite matapos dagsaan ang kanilang mga campaign rally.

Unang pumunta ang UniTeam sa Dasmariñas kung saan sinalubong sila ni Councilor Kiko Barzaga, anak ni Rep. Elpidio Barzaga at Mayor Jennifer Barzaga.

Sinabi naman ni dating Cavite Rep. Gilbert Remulla na bukod sa kanilang pamilya at sa mga Revilla, ang BBM-Sara tandem ay suportado rin ng pamilya Tolentino at Ferrer.