People's Taliba : Ilokanong pangulo ipapanalo ng mga Bisaya —Mayor Inday

1 April 2022

By Ryan Ponce Pacpaco | People's Taliba

ANG ilokanong si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. umano ang ipapanalo ng mga Bisaya, ayon kay vice presidential aspirant Sara Duterte.

Sa harap ng tinatayang 120,000 supporter na nagtipon para sa campaign rally ng UniTeam sa Digos City sinabi ni Duterte na ang iboboto ng mga bisaya ay ang kanyang running mate na si Marcos.

“Ang mga Ilocano at mga Tagalog, nangako na mananalo ang Bisaya (Duterte) sa kanilang lugar,” sabi ni Duterte. “Tayong mga Bisaya, mangangako na mananalo ang Ilocano dito sa ating lugar.”

Naghiyawan ang mga suporter ng marinig ang deklarasyon ni Duterte, chairperson ng Lakas-Christian Muslim Democrats at Hugpong Ng Pagbabago.

Bago ang rally sa Digos City ay libu-libo rin ang dumagsa sa campaign rally ng UniTeam sa Carmen, Davao del Norte at Pantukan, Davao de Oro.

Nagpasalamat si Duterte sa tiwala at suporta na ipinakita sa kanya, kay Marcos at sa buong UniTeam.

Nagpahayag ng tiwala kay Marcos at Duterte ang mga lokal na opisyal ng mga lugar na kanilang binisita at nangako na ibubuhos ang boto para sa kanilang panalo.