People's Taliba : BBM-Sara tandem mananalo sa Tarlac—Gibo

4 April 2022

By Ryan Ponce Pacpaco | People's Taliba

KUMPIYANSA si UniTeam senatorial candidate Gilbert Teodoro na mananalo sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at vice presidential aspirant Sara Duterte sa Tarlac.

Ito ang sinabi ni Teodoro matapos na dumagsa ang libu-libong tao sa campaign rally ng UniTeam sa Tarlac City, Capas, at Paniqui.

“Nakita naman natin ang init ng pagsalubong kay BBM-Sara. Palagay ko nagdesisyon na ang mga Tarlacqueño,” sabi ni Teodoro na dating Defense Secretary at kinatawan ng Tarlac.

Sinabi ni Teodoro na ang panalo nina Marcos at Duterte ay hindi lamang para sa mga taga-Tarlac kundi para sa kinabukasan ng bansa.

Sa kabila ng pagiging balwarte ng oposisyon, bumuhos ang suporta ng Tarlac sa pagbisita ng BBM-Sara UniTeam noong Abril 2.