People's Taliba : BBM muling namayagpag sa Publicus survey

26 April 2022

By Ryan Ponce Pacpaco | People's Taliba

Muling namayagpag si dating Sen. Ferdinand Marcos Jr. sa presidential survey ng Publicus Asia Inc.

Ayon sa Pahayag ng Publicus Asia, tumaas pa ng 1 porsyento si Marcos sa survey na isinagawa nito mula Abril 19 hanggang 21. Mula sa 56 porsyento sa survey noong Marso 30 hanggang Abril 6 ay naging 57 porsyento na ito.

Sa survey ng Publicus noong Oktobre su Marcos ay nakapagtala ng 49 porsyento, noong Disyembre ay 52 porsyento, noong Pebrero ay 52 porsyento at noong Marso 9 hanggang 14 ay 55 porsyento.

Kahit doblehin ang nakuha ni Vice President Leni Robredo na 21% ay hindi pa rin ito aabot kay Marcos. Si Robredo ay bumaba ng 2 porsyento kumpara sa survey noong Marso 30 hanggang Abril 6.

Bumaba naman ng tatlong porsyento si Manila Mayor Isko Moreno na nakapagtala ng 6 porsyento na sinundan nina Sen. Panfulo Lacson na may 4 porsyento at Sen. Manny Pacquiao na nakakuha ng 2 porsyento.

Ang iba pang kandidato ay nakakuha ng 1 porsyento o mas mababa pa.

Mayroon namang 6 porsyento na undecided.

Ang survey ay mayroong 1,500 respondents na pawang mga rehistradong botante. Mayroon itong nationwide margin of error na +/- 3%.