People's Taliba : 80-85% ng Davao boto kay BBM

29 March 2022

By Ryan Ponce Pacpaco | People's Taliba

NAPAKALAKAS umano ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Davao.

Ayon kay Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte pumapalo na sa 80-85 porsyento ng Davao ang sumusuporta kay Marcos na frontrunner sa paparating na presidential election batay sa mga survey.

Sinabi ni VM Duterte na pipilitin ng kanilang grupo na makuha ni Marcos ang 90% ng mga boto.

“As far as I know sa Davao mataas talaga siya. More than 80 percent, 85 percent. We’re trying to push for 90,” sabi ni VM Duterte.

Nakakuha ng rockstar treatment si VM Duterte ng magsalita ito sa UniTeam campaign rally sa South Cotabato bilang kinatawan ng kanyang kapatid na si vice presidential aspirant Sara Duterte.

Kasamang nangampanya nina Marcos at VM Duterte ang UniTeam senatorial candidates na sina Mark Villar, Herbert Bautista, Gibo Teodoro, Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta, Larry Gadon, at Migz Zubiri.