PASAYEÑOS EXCITED FOR BBM-SARA UNITEAM

16 March 2022

SOME 500 volunteers on Tuesday attended the inauguration of BBM headquarters in Pasay City turning the simple activity into a festive and memorable event even as they promised that they would be able to match the previous successful caravans launched by UniTeam in various parts of the country.

“Naiinip na kami. Gusto naman namin ipakita na kaming mga taga-Pasay ay nakahanda ring magpakita ng suporta kay BBM at papatunayan din namin na hindi kami bayaran,” said Aling Teresita Ledesma who is a househelper.

She confided that she just asked permission from her boss to witness the inauguration of BBM Headquarters at the Madrigal Compound on Roxas Boulevard of the said city.

Leading the inauguration of BBM HQ were ret. Gen. Thomson ‘GT’ Lantion, secretary general of the Federal Party of the Philippines (PFP); legal counsel Atty. George Briones and other PFP officials.

According to Lantion, he was also surprised because among all the BBM Headquarters they inaugurated, Pasay HQ was one of the most well attended .

“Ipinaaabot po ng ating Presidente Bongbong Marcos ang mainit niyang pagbati sa inyong mga taga-Pasay. Huwag po kayong mainip dahil papasyalan kayo rito ni BBM sa mga susunod na araw,” said Lantion.

The occasion was made even more fun when BBM supporters, as well as Lantion and Briones, sang and danced during an impromptu program.

This developed as Lantion said they were aware that many Overseas Filipino Workers (OFWs) live in Pasay City . which prompted him to schedule a miting de avance for them on April 1.

“Sa April 1 po abangan n’yo iyan. Magkakaroon po ng Overseas Filipino Workers miting de avance. Forty-five countries po ay may Partido Federal ng Pilipinas sa buong mundo, makikilahok po iyan at makikilahok live stream ang ating mahal na Pangulong BBM at si BBM,” he said.

Meanwhile, a SK official said that BBM's name is now spreading through word of mouth in every barangay in Pasay City.

“Hindi nila kami kayang bayaran dito dahil ako na po ang nagsasabi, solid BBM ang buong Pasay,” said the SK official.

The inauguration of BBM HQ was organized by an admittedly loyalist family ever since.

They declined to be named, but they vowed to fully support BBM’s campaign.

“Iba ang magnet ni BBM sa tao. Si misis ko talagang loyalist, pero kapag nakikita mo si BBM talagang mapapahanga ka sa kanya. Malumanay magsalita, walang yabang at ang maganda sa kanya, pilit na siyang ginigiba pero hindi siya kailanman pumatol sa kanyang mga kalaban,” said the head of the family who requested anonymity.

-30-

UniTeam supporters attended the inauguration of the Partido Federal ng Pilipinas (PFP) headquarters in Pasay. The event was led by ret. Gen. Thomson ‘GT’ Lantion, PFP secretary general; Atty. George Briones, PFP legal counsel; and other PFP officials.


- 30 -

FILIPINO VERSION

MGA PASAYEÑO NAG-AANTAY NA SA BBM-SARA UNITEAM

NAGING makulay ang ginawang pagpapasinaya ng BBM headquarters sa Pasay City nitong nakalipas na Martes matapos daluhan ng halos 500 volunteers na mga Pasayeños na nangakong kaya nilang tapatan ang mga matatagumpay na caravan na inilunsad sa iba’t ibang panig ng bansa ng UniTeam.

“Naiinip na kami. Gusto naman namin ipakita na kaming mga taga-Pasay ay nakahanda ring magpakita ng suporta kay BBM at papatunayan din namin na hindi kami bayaran,” ani Aling Teresita Ledesma na isang kasambay.

Aniya, nagpaalam lamang siya sa kanyang amo para saksihan ang inauguration ng BBM Headquarters sa Madrigal Compound sa Roxas Boulevard ng nasabing lungsod.

Nanguna sa pagpapasinaya sa BBM Headquarters sina ret. Gen. Thomson ‘GT’ Lantion, secretary general ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP); Atty. George Briones, PFP legal counsel; at iba pang mga PFP officials.

Ayon kay Lantion, pati siya ay nagulat dahil sa lahat ng BBM Headquarters na kanilang napuntahan, ang Pasay HQ ang isa sa dinumog ng tao.

“Ipinaaabot po ng ating Presidente Bongbong Marcos ang mainit niyang pagbati sa inyong mga taga-Pasay. Huwag po kayong mainip dahil papasyalan kayo rito ni BBM sa mga susunod na araw,” ani Lantion.

Higit na pinasaya ang okasyon nang magkantahan at magsayawan ang mga BBM supporters kasama sina Lantion at Briones.

Batid ni Lantion na maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Pasay City ang naninirahan kaya inihayag nya rin dito na sa darating na Abril 1 ay magkakaroon ng meeting de avance para sa mga OFWs si BBM.

“Sa April 1 po abangan n’yo iyan. Magkakaroon po ng Overseas Filipino Workers meeting de avance. Forty-five countries po ay may Partido Federal ng Pilipinas sa buong mundo, makikilahok po iyan at makikilahok live stream ang ating mahal na Pangulong BBM,” ani Lantion.

Samantala, isang SK official ang nagsabing kahit saang sulok ng barangay sa Pasay ngayon ay bukambibig si BBM. “Hindi nila kami kayang bayaran dito dahil ako na po ang nagsasabi, solid BBM ang buong Pasay,” sabi pa niya.

Ang pagpapasinaya ng BBM HQ ay inorganisa ng isang pamilyang aminadong loyalist noon pa man.

Tumanggi silang magpabanggit ng pangalan, ngunit sinabi ng mga ito na anumang tulong ang puwede nilang ibigay sa kampanya ni BBM ay nakahanda sila.

“Iba ang magnet ni BBM sa tao. Si misis ko talagang loyalist, pero kapag nakikita mo si BBM talagang mapapahanga ka sa kanya. Malumanay magsalita, walang yabang at ang maganda sa kanya, pilit na siyang ginigiba pero hindi siya kailanman pumatol sa kanyang mga kalaban,” anang padre de pamilya na nakiusap huwag na lang banggitin ang kanyang pangalan.

-30-