The Philippine Star (Pang-Masa) : Survey trajectory ni Marcos pataas pa

28 February 2022

By Mer Layson - Pang-masa | The Philippine Star (Pang-Masa)

MANILA, Philippines — Napanatili ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang lamang sa mga katunggali matapos makapagtala ng 53 por­syento sa pinakahuling Pulso ng Pilipino survey na isinagawa ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong Peb. 9-15.

Ang survey na isina­gawa sa 2,400 respondents nitong umpisa ng campaign period para sa national position ay may margin of error na 3.0% + - at may “confidence level in excess of 98%.

Nasa pangalawa si Robredo na may 16.75%; Isko Domagoso-11.25%.; Ping Lacson na may 8.75 %; at Manny Pacquiao na may 6%.

Lamang din si Marcos sa lahat ng rehiyon sa bansa na may pinakamataas na bilang sa Mindanao na mayroong 56 porsyento kumpara kay Robredo, 11 porsyento.

Sa pinakahuling survey, si Marcos din ang nanguna sa NCR na mayroong 51 porsyento, sa Luzon, 53 porsyento at sa Visayas, 52 porsyento. Pangalawa rin si Robredo sa NCR, 20 porsyento, Luzon, 19 porsyento at Visayas, 17 porsyento. Si Marcos din ang nanguna sa lahat ng klase, nakakuha siya ng 43 porsyento sa ABC class, 45 porsyento sa class D at 40 porsyento sa Class E.

Sa karera naman sa pagka-bise presidente, nangunguna pa rin ang katambal ni Marcos na si Inday Sara Durerte na nakakuha ng 54 porsyento, habang si Vicente Sotto III naman ay mayroong 25 porsyento. Pangatlo si Willie Ong, 11%;Francisco Pangilinan -4%;at Joselito Atienza-2%.