Pahayag ni Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. pinakahuling Pulse Asia survey

Press Releases
4 March 2016

Ang pinakahuling Pulse Asia survey ay pagkumpirma na ang ating mensahe para sa pagkakaisa ay tinatanggap ng ating mga kababayan. Ito ay naglalarawan ng pag-asam ng buong bansa ng tunay na pagbabago sa pamamagitan ng pagkakaisa.

Ngunit marami pang kailangang gawin bago ang tunay na survey - ang eleksyon sa Mayo. Tayo’y lalong magsisikap na ihatid itong mensahe ng pagkakaisa sa ating mga kababayan, lalung-lalo na sa mga kapus-palad nating mga kapatid.