Pahayag ng kampo ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ukol sa naglabasang ulat at video na sinasadya niyang umiwas sa pakikipagkamay sa publiko.

20 February 2022

“Hindi umiiwas sa handshake si BBM, kundi iniiwas lamang nya ang kanyang kamay na nagkasugat sa  braso malapit sa may pulso na tila nagka-impeksyon.

Ngunit ‘tulad ng isang tunay na lider na naghahatid ng mensahe upang mapagkaisa ang bansa laban sa krisis na dulot ng pandemya ay hindi nya ito pinansin at patuloy siya sa pakisalamuha sa mga taong nagmamahal sa kanya at sa BBM-Sara UniTeam.

Labing dalawang oras nang nakababad si BBM sa caravan at rally kahapon sa lungsod ng Caloocan matapos nyang ikutin kamakalawa ang halos buong Ilokandia na kasama si Inday Sara. Patuloy naman kaming iikot ngayon sa Lungsod ng Maynila sa pagpapatuloy ng aming kampanya.

Hinihingi ng aming kampo ang pang-unawa ng ating mga kababayan at taga-suporta na iwasan na munang pisilin ang kamay at braso ni presidential candidate Bongbong Marcos upang hindi lumala ang impeksiyon at mabilis na maghilom ang sugat nito.”

Atty. Vic Rodriguez

Chief of Staff at Spokesman

ni Bongbong Marcos