News Ko - Bigyang pansin na ang paghahanda sa halalan

News & Interviews
21 January 2021

By Rene Tichangco | News Ko

Sa totoo lang ang dapat pag aralan, suriin at imbestigahan in aid of legislation ng Kamara at Senado ay kung dapat na bang amyendahan ang Republic Act no. 9369 o Automated System Law na apat na beses ng ipinatupad sa mga halalan ng bansa mula pa noong 2010 National and Local Election.

Sa kabila kasi ng batas, binalot pa rin ng mga alegasyong high-tech na dayaan ang halalan na ang pinakahuli at hindi pa natatapos ay ang reklamo ni loosing Vice Presidential candidate Bongbong Marcos laban kay Vice president Leni Robredo.

Dapat ding paghandaan ng ehekutibo at COMELEC na alamin at suriin ang implementing rules and gudelines nito kung may mga pagkukulang at butas na nagiging daan para makapandaya ang ilang kandidato o kung may mga tauhan silang nagkulang o naireklamong nakipagsabwatan sa bintang na dayaan sa mga halalan.

Hindi maikakaila na lubhang divisive ang halalan na dapat ay pansamantala lamang nguni’t nagiging permanente hanggat hindi nagkakaroon ng isang honest at credible election at hindi ito nakakabuti sa kalagayan ng ating bansa. Batay sa ating karanasan, nagsisimula ang dayaan sa talaan pa lamang ng mga botante na kung saan may nawawalang pangalan, patay na nakakaboto, 2 beses nakakaboto at sa oras ng pagboto ibang pangalan ang lumalabas na ibinoto gayundin sa transmission ng mga boto nagkakaroon ng pagbabago sa mga resulta na pawang alegasyong nailahad.

Bigyan din ng pansin sa paghahanda at pagkaroon ng isang honest at credible election ang effectiveness o kahinaan ng nagpapatupad kasama ng COMELEC sa Electronic Voting Sytem, ang Smartmatic, na kailangan maituwid at maitama ang mga bintang ng dayaan at maremedyuhan ang anumang puwedeng amyendahan sa umiiral batas o executive action lamang.

Panahon na marahil na seryosong maaksyunan ng Kongreso at ng pamahalaan ang mga problemang nabanggit sa mga halalan lalo’t hindi rin maikakaila na sa ilang lugar ng bansa ay nagiging marahas at nauuwi sa sakitan o patayan–isang bagay na nakakalungkot at nagpapasama ng imahen ng bansa at lumilikha ng pagkakahati-hati ng mamamayan.

Bagama’t ang filing ng mga certificate of candidacy ay magaganap bago magtapos ang taon, maari pa itong talakayin ng kongreso na kung saan ang kamara ay abalang abala sa charter ammendments na tinutulalan namn ng ilang mga senador.

Sa pagpasok ng taon hindi rin naikakaila na nagsimula nang mangampanya ang mga pulitikong lalahok sa halalan sa 2022 sa paraang hindi masyadong hayag sa publiko. Pasimple ang mga pahiwatig para hindi muna gambalain ng mga solicitation ngunit obvious naman sa mga tarpauline ng pagbati para mailagay ang kanilang mga pangalan at maging pamilyar ang mamamayan.

Isa rin sa dapat na seryosong ipatupad ng COMELEC ay ang pagpaparusa sa mga lumalabag at nasangkot sa vote buying activities ng mga candidates na lubhang malawakan sa mga halalan, paglabag sa paglalagay ng mga streamers, tarpauline at iba pa.

Sa totoo lang ang pagsusuri sa umiiral na Automated System Law at paghahanda kontra dayaan ay lubhang mahalaga para sa kapakanan ng bansa at sa pagkakaisa ng mamamayan kung maidadaos ang isang malinis at tapat na halalan sa 2022 national and local election

Sharing is Caring!