NET 25 : MGA MUSLIM SA QUIAPO SINUPORTAHAN ANG BBM-SARA

6 March 2022

By NET 25

Suportado ng Muslim community sa Quiapo sina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinalubong sa Golden Mosque si Duterte-Carpio sa pagbisita nito.

Nakasuot ng hijab, nagsalita si Sara sa harap ng maraming tao na nagtipon sa labas ng mosque, na nangangampanya para sa kanyang sarili, sa kanyang running mate na Marcos Jr., at sa Uniteam senatorial slate.

Isa sa mga dumalo ay si Monirah Ali, 43 at dating residente ng Marawi City, na nagpasalamat kay Sara para sa proyektong “Kalilintad 911” sa Davao City.

Sinabi ni Ali na nakatulong ang Kalilintad 911 project sa kanyang mga kapatid na Muslim na lumikas sa Davao City noong Marawi Siege noong 2017.

“Malaki ang utang na loob namin kay Mayor Sara dahil marami sa aking mga kapamilya ang nabigyan ng tahanan sa Davao matapos ng kanilang sinapit noong Marawi Siege,” ani Ali.

Sinabi ni Ali na tinatrato ni Duterte-Carpio ang mga apektadong Muslim internal refugee nang pantay-pantay na sa tingin nila ay tinatanggap at komportable sa lungsod.

“Lahat ng mga programa tulad ng psychological counselling, employment, livelihood programs, at permanent housing ay nakinabang sila kahit di naman sila Dabawenyo,” sinabi ni Ali.

“Kaya 100 percent BBM-Sara kaming mga Muslim dahil alam naming ‘di kami pababayan ng Uniteam,” dagdag pa nito.