Join the campaign (Learn More)

NET 25 : MARCOS, IPAGPAPATULOY ANG 'LEGACY' NI PDU30 KAPAG NANALO

News & Interviews
16 December 2021

By NET 25

IPAGPAPATULOY ni dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at ng kanyang ka- running mate na si Davao Mayor Sara Duterte-Carpio ang 'legacy' ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa oras na palarin at manalo sa halalan sa susunod na taon.

Ani Marcos, ang pag-atras ni Sen. Christopher Lawrence "Bong" Go mula sa presidential race ay isang hudyat ng "consolidation" ng administration forces sa kanyang presidential bid.

"Sen. Bong Go clearly acted his part in strengthening those of us aligned with the Duterte administration," giit ni Marcos.

Aniya pa, ang pag-atras ni Go mula sa 2022 polls "only mirrored his worth as a true public servant, one who is willing to sacrifice his personal aspirations to serve a common purpose and a higher cause: a unified nation crucial to the national interest."

Ikinalungkot naman ni Partido Federal Pilipinas standard-bearer ang naging desisyon ni Pangulong Duterte na umatras sa senatorial race.

"President Duterte has achieved so much for the country in a short period of time," ani Marcos.

"Although we welcomed with utmost gladness when he earlier filed his certificate of candidacy (CoC) for senator, we respect the wisdom in his decision to withdraw his CoC," dagdag na pahayag nito.

Sunabi pa ni Marcos na "if given the chance," he and Duterte-Carpio "shall continue his legacy programs and, guided by his wisdom, even enhance some of them when necessary."