NET 25 : CALOOCAN MAYOR, INENDORSO ANG UNITEAM

20 February 2022

By NET 25

Inendorso ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ng UniTeam nitong Sabado sa campaign rally ng grupo.

"Tapos na ba ang eleksiyon? Maghihintay na lang ng proklamasyon," sinabi ni Malapitan sa campaign rally sa North Caloocan.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina, aabot sa 30,000 ang bilang ng dumalo sa nasabing rally.

Bago ang rally ay nagkaroon din ng caravan sina BBM-Sara bago ang rally.

Kasama rin nina presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at running mate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sina senatorial aspirant Gilbert Teodoro, Harry Roque, Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta, Larry Gadon, at Mark Villar.

Si Senador Sherwin Gatchalian ay kinatawan ng kanyang kapatid na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.

Nagsalita rin sa event ang action star at senate hopeful na si Robin Padilla, na hindi pa napagkasunduan ng UniTeam bilang bahagi ng kanilang slate. [Photo: PNA]