NET 25: BBM, MAY BALAK TUMAKBONG PANGULO SA 2022

News & Interviews
2 September 2021

By NET 25

Kinumpirma ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ikinukunsidera niya ang pagkandidato sa 2022 presidential elections.

Sinabi ni Marcos na mas gusto ng marami sa kanyang mga tagasuporta ang pagsabak niya sa pagkapangulo sa halip na kumandidato siyang muli bilang vice president.

Kung pagbabatayan din anya ang mga survey, mas mataas ang kanyang nakukuha sa presidential survey kumpara sa vice presidential survey.

Naniniwala rin ang dating senador na maraming sumusuporta at tutulong sa kayang kandidatura.

Idinagdag pa nito na marami ng political parties ang nagnanais na kumuha sa kanya bilang Presidential candidate subalit babawi ng suporta kapag Vice Presidential post ang tinarget nito.

Kinumpirma rin ni Marcos na nakikipag-ugnayan na siya sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan subalit sa ngayon ay wala pa siyang desisyon kung saang political party siya aanib.