Join the campaign (Learn More)

NET 25 : BBM, GIIT NA MADAGDAGAN ANG BUDGET NG MEDICAL RESEARCH

News & Interviews
2 November 2021

By NET 25

Iginiit ni Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos jr nitong Lunes ang mas malaking pondo para sa medical research sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ng Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer sa kanyang pahayag na ang pondo partikular para sa Research Institute for tropical medicine (RITM) ay dapat madagdagan.

Nang magsimula ang pandemya, tanging ang RITM lamang ang laboratory sa bansa ang nakakapagsuri ng COVID-19.

Dahil aniya mababa ang pondo nito, sinabi ni BBM na nagdulot ito ng maraming napalampas na pagkakataon upang magplano at magpatupad ng mga programa at pananaliksik.

Giit niya, ito ang panahon na dapat na itong matugunan ngayong batid na ang problema.

Binanggit din nito ang pangangailangan na palakasin ang National institute of Molecular Biology and Biotechnology ng University of the Philippines, at sinabing ang ating bansa ay dapat magkaroon o makagawa ng sariling bakuna.

Dagdag ng presidential candidate na ang UP-LB ay nakagawa ng sapat na flu vaccines upang mabakunahan ang 60 porsyento ng populasyon na aniya ay kaya naman ngunit kailangan palakasin ang sistema.

Ayon pa kay BBM marami tayong teknolohiya na pwede natin samantalahin.