NET 25 : APO NI DATING PANGULONG MARCOS, KAKANDIDATO BILANG KONGRESISTA

News & Interviews
15 September 2021

By NET 25

Inanunsyo na ni Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, apo ng namayapa at dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., ang kanyang kandidatura bilang kinatawan ng first congressional district ng Ilocos Norte.

Inanunsyo nito ang kanyang kandidatura, araw ng Martes sa Sarrat, Ilocos Norte.

Kasama ni Sandro ang kanyang ama na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Bago pa pinasok ni Sandro ang politika, nagtatrabaho siya sa tanggapan ni House Majority Floor Leader, Leyte 1st District Congressman Martin Romualdez, na tiyuhin nito.

Ayon naman sa mga local political analysts, makatutunggali ni Sandro sa pagtakbo niyang ito si 1st district incumbent Representative Ria Fariñas.

Si Sandro, ipinanganak noong Marso 7, 1994, ay nakatira sa United Kingdom noong kanyang kabataan. Nagtapos siya ng kanyang pag-aaral sa Oxford Brookes sa UK, at mayroong Master’s degree sa Development Studies sa London School of Economics and Political Science.