More than 100,000 attend BBM-Sara grand political rally; tandem earns full support, commitment in Bukidnon

1 April 2022

PRESIDENTIAL frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos has expressed gratitude to tens of thousands of residents who welcomed him on Wednesday during his grand political rally at a crowd-filled capitol ground in Malaybalay City, Bukidnon.

The show of support was first felt at the UniTeam’s caravan, which started at Valencia City where Marcos led the inauguration of the BBM-Sara UniTeam headquarters.

The caravan lasted for two hours as thousands of people line the streets to take a glimpse and greet him during the motorcade.

Upon his arrival at the capitol, Marcos was astounded to see the vast crowd that welcomed the UniTeam into the province.

Local organizers disclosed that more than 100,000 supporters went to the capitol ground to see and hear the UniTeam’s message of unity.

"Akala ko malamig dito sa Malaybalay, Bukidnon pero di ko naramdaman dahil sa init ng pagtanggap ninyo sa UniTeam,” he said.

For Gov. Jose Maria Zubiri, he shared that he had known Marcos for a long time, that’s why he knew that he had a great love for the poor and those in need.

"Matagal ko na siyang kilala, ang puso nito malaki pa sa kanyang katawan para sa mga mahihirap at kapos-palad katulad ng iba sa inyo,” Zubiri said.

"Kaya naman wag na tayong pipili pa ng ibang kandidato pagka-presidente, siya lang ang ating presidente, mabuhay si Bongbong," he added.

Marcos’ running mate, Inday Sara Duterte, was represented by Sen. Ronald 'Bato' Dela Rosa.

Dela Rosa said the Marcos- Duterte tandem must always be united in order for the country to have continued progress as he pooh-poohed efforts by some presidential wannabees like Isko Domagoso and Leni Robredo who were heartlessly dumping their running mates Doc Willie Ong and Kiko Pangilinan respectively, in favor of Sara.

"Kung si Inday Sara ang ating bise-presidente dapat si Bongbong Marcos ang presidente, dapat hindi maghiwalay ang dalawa para maging maganda at maayos ang pamamalakad sa ating bansa," he said.

"Kaya nga tinawag sila na UniTeam dahil may unity at teamwork kaya kailangan magsama silang dalawa na mamumuno sa bansa," Dela Rosa added.

-30-

Caption: More than 100,000 UniTeam supporters welcome presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr during his visit in Bukidnon province on Thursday, March 31.

-30-

FILIPINO VERSION

BUKIDNON IBINUHOS ANG TODONG SUPORTA SA BBM-SARA UNITEAM

DI mahulugang karayom sa dami ang mga taong pumunta sa rally ni presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. at running mate na si Inday Sara Duterte na ginanap sa capitol ground ng Malaybalay City, Bukidnon nitong Miyerkules.

Bago magtungo sa UniTeam grand rally nagkaroon muna si BBM ng maiksing caravan papunta sa Valencia City, Bukidnon upang pasinayaan ang bagong BBM-Sara UniTeam headquarters.

Mula sa roadhouse kung saan nagsimula ang caravan inabangan na si Marcos ng kanyang mga supporters na todo ang hiyawan at sigawan.

Tumagal ang caravan ng halos dalawang oras na ginanap sa mahigit na isang kilometrong kalsada.

Agad naman na pumunta ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa capitol ground pagkatapos pasinayaan ang headquarters.

Doon ay namangha ang dating senador sa dami ng taong pumunta para masilayan ang UniTeam.

"Akala ko malamig dito sa Malaybalay, Bukidnon pero di ko naramdaman dahil sa init ng pagtanggap ninyo sa UniTeam" sabi niya.

Ayon naman kay Gov. Jose Maria R. Zubiri matagal niya na kilala si Marcos kaya alam niya na malaki ang pagmamahal nito para sa mga mahihirap at kapos-palad.

"Matagal ko na siyang kilala, ang puso nito malaki pa sa kanyang katawan para sa mga mahihirap at kapos-palad katulad ng iba sa inyo" sabi ni Gov. Zubiri.

"Kaya naman wag na tayong pipili pa ng ibang kandidato pagka-presidente, siya lang ang ating presidente, mabuhay si Bongbong," dagdag pa ng gobernador.

Samantala, ni-represent naman ni Sen. Ronald 'Bato' Dela Rosa si Mayor Inday Sara Duterte.

Sinabi ni Dela Rosa na dapat hindi maghiwalay ang tambalan ni Marcos at Duterte para maging maganda ang pamumuno sa bansa.

"Kung si Inday Sara ang ating bise-presidente dapat si Bongbong Marcos ang presidente, dapat hindi maghiwalay ang dalawa para maging maganda at maayos ang pamamalakad sa ating bansa," ayon kay Dela Rosa.

"Kaya nga tinawag sila na UniTeam dahil may unity at teamwork kaya kailangan magsama silang dalawa na mamumuno sa bansa," dagdag pa ng senador.

Sabi naman ng mga organizer, tinatayang nasa mahigit isang daang libong (100,000) taga-Bukidnon ang pumunta sa capitol ground para masaksihan at mapakinggan ang mensahe ng UniTeam bukod pa diyan ang mga taong naghintay at nag-abang sa mga kalsada.

-30-