Millions of supporters welcome BBM during his much-awaited visit to Pangasinan

27 February 2022

Of the three million population of Pangasinan, more than half of them have supported and participated in every caravan and grand rally of presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and some of the UniTeam’s senatorial candidates.

Consolidated data from the Philippine National Police (PNP) showed that more than two million Pangasinense went out of their residences to see and greet Marcos during his two-day visit as he fulfilled his promise to return to the province to meet them again.

Rain or shine, the supporters of the BBM- Sara UniTeam were unstoppable, braving the weather while shouting and cheering as they saw their candidate in person.

The people's happiness is immeasurable as their smiles are within earshot whenever Marcos reaches out to them.

The 77-year old Cezar Acosta of Barangay Dumapot, Santa Maria, Pangasinan, patiently waited for Marcos to arrive in their area to show his artwork.

The Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer noticed Acosta and immediately stopped to sign his artwork which captured the hearts of the people.

Acosta burst into tears of joy and happily recalled his memorable experiences under the administration of former president and Bongbong's father, Ferdinand E. Marcos Sr., and according to him, he has loved the Marcoses ever since, the reason why his whole family will go solid for Bongbong.

A farmer leader, 47-year old Jemuel Bagitan, shared that he woke up early to join the caravan. Together with his members, riding their motorcycles, they joined the caravan which they call “the road to success.”

Supporters of all ages did not miss the opportunity to see Marcos and the hope he brings to the people.

Some even went on top the roofs of their tricycles, climbed a tree or roof, and even used ladders just to see their presidential bet.

The crowds seemed to be non-stop in every street the caravan passed by. Supporters poured their hearts and shouted "BBM o Marcos pa rin!" whenever they saw Marcos.

Non-stop honking coming from motorcycles, bikers, and vehicles also joined the BBM-Sara Uniteam caravan.

Marcos’ two-day visit to Pangasinan was a success as different personalities, and prominent politicians also joined him in his activities.

It is very clear that the Pangasinense are all in for the BBM-Sara UniTeam and their call for unity.

-30-

Caption: Photos show supporters of presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. excited and united in welcoming him during his two-day visit in Pangasinan.

According to the estimate of the Philippine National Police (PNP), more than two million Pangasinenses came out of their homes to grace and join the UniTeam’s caravan and rallies in the province.

His visit to the province ended in Bayambang, Pangasinan Sunday evening where a grand rally was held.

-30-

FILIPINO VERSION

PINAKAHIHINTAY NA PAGBISITA NI BBM SA PANGASINAN SINALUBONG NG MILYON-MILYON

SA mahigit na tatlong (3) milyong naninirahan sa probinsya ng Pangasinan, sobra sa kalahati ang lumahok sa mahabang caravan at nakibahagi sa bawat grand rally ni presidential candidate Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. kasama ang ilang mga senatoriables sa UniTeam.

Sa tala ng Philippine National Police (PNP) kung pagsasamahin ang bilang ng taong naghintay at sumama sa programa ni Marcos sa dalawang araw na pagbisita nito sa Pangasinan, na katuparan ng kanyang nauna nang ipinangako, tinatayang aabot sa dalawang (2) milyon ang lumabas sa kanilang mga tahanan para masilayan ang dating senador.

Umulan man o umaraw di nagpatinag ang mga taga-hanga ng BBM-Sara UniTeam, walang humpay ang sigawan at hiyawan sa tuwing makikita ang kanilang pinakamamahal na pambato.

Di masukat ang kaligayahan at abot tenga ang ngiti ng mga tao sa tuwing nahahawakan at kahit na madampi lang ang kamay ni Marcos.

Ang 77 taong gulang na senior citizen na si Cezar Acosta na taga Brgy. Dumapot, Santa Maria, Pangasinan ay matiyagang naghintay sa caravan upang maiabot ang kanyang ipinintang larawan kay Marcos.

Agad namang napansin ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang matanda, bahagyang nalampasan pero huminto at mabilis na itinuro ang matanda at pinirmahan ang kanyang likha na lalong nagpaantig sa damdamin ng bawat Pangasinense.

Mangiyak-ngiyak naman sa galak si Acosta at masayang ikinwento ang kanyang magandang karanasan sa pamamahala ng dating presidente at ama ni Bongbong na si Ferdinand E. Marcos Sr. at aniya mahal niya ang mga Marcoses noon pa man kaya solid-BBM ang kanyang buong pamilya.

Isa rin si Jemuel Bagitan, 47 taong gulang na lider ng mga magsasaka na maagang gumising para sumali sa caravan, kasama ang kanyang mga miyembro sabay-sabay na pinaandar ang kanilang motorsiklo at sumabay patungo sa “tagumpay” ika nga nila.

Mapa-matanda, bata, dalaga at binata, lahat ay hindi nagpapahuli sa pag-asang handog ni Marcos, mga grupong nagsagawa ng iba’t-ibang eksena, may ilan na nagsuot ng costume tulad ng pulang ibon na may malaking pakpak na tila nagpapahiwatig na kasama siya sa paglipad ng BBM-Sara sa pagtupad ng pangarap para sa bawat Pilipino.

Mga tricycle drivers na ginawang patungan ang bubong ng kanilang sasakyan, may nagaakyatan sa puno , kumuha ng mga hagdan para maiangat ang kanilang sarili para makita ang kanilang hinahangaan na kandidato.

Sa hindi maubos na tao na makikita sa bawat kalsadang dinadaan ng caravan iisang pangalan lang ang maririnig at paulit-ulit nilang sinisigaw na tila naging normal na sa puso at bibig ng mga supporters at yan ang "BBM o Marcos pa rin!"

Sabayan pa ng ingay na dala ng busina ng daang libong motorcycle riders, bikers at mga malalaking sasakyan na nakiisa sa caravan ng BBM-Sara Uniteam.

Maituturing na tagumpay ang dalawang araw na pagbisita ng UniTeam sa Pangasinan na dinaluhan ng mga ibat-ibang personalidad at malalaking pulitiko ng probinsya.

Maliwanag na buo ang kanilang suporta sa UniTeam at kitang-kita ang pagkakaisa ng lahat para sa tambalang Marcos at Duterte.

-30-