Mensahe ni Senador Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. para sa Araw ng Paggawa (Labor Day)

Press Releases
30 April 2016

Ngayong ipinagdiriwang natin ang Araw ng Paggawa, isang maalab na pagbati sa mga manggagawa sa buong mundo lalo na sa manggagawang Pilipino.

Sa ating mga manggagawa na buong sipag na naghahanapbuhay dito sa ating bansa, hanga ako sa inyong dedikasyon na itaguyod ang inyong mga pamilya sa marangal na kaparaanan.

Ganoon din ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na buong tapang na hinaharap ang lungkot ng pagkakawalay sa kani-kanilang pamilya pati na rin ang samu't-saring suliraning kaakibat ng pagtatrabaho sa ibang bansa mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.

Bilang lingkod bayan tungkulin namin na unahin ang inyong kapakanan. Kaya sa abot ng aking makakaya isusulong ko ang seguridad ng karapatan ng bawat manggagawa.

Mabuhay ang manggagawang Pilipino!​