Massive crowd attends BBM-Sara UniTeam rally in Pampanga

30 April 2022

HUNDREDS of thousands of Kapampangans pledged to deliver a landslide win for presidential frontrunner former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and   his running mate Mayor Inday Sara Duterte during the UniTeam's grand rally in San Fernando City, Pampanga on Friday night.

The supporters came from various parts of the province  to listen and show their support for the entire UniTeam ticket.

Also in attendance during the event were former President Gloria Macapagal Arroyo, Governor Delta Pineda, Vice Governor "Nanay" Baby Pineda, four congressmen, and at least 20 mayors.

BBM and Sara were greeted with chants  of "panalo ka na," when they showed up in the stage.

Sara for her part thanked the supporters and told them that she believes in their promise to give them victory.

"Kapag sinabi ng Kapampangan na panalo na ang bisaya, malakas ang loob ko na panalo na ako," according to her.

GMA, meanwhile, introduced Marcos to the Kapampangans as the next president of the Philippines.

In his speech, BBM encouraged everyone to stay the course, be united and remain vigilant until their victory is attained.

"Magkakatotoo yan(panalo)  basta't walang iwanan at patuloy tayo na nagkakaisa," he said.

Supporters responded by chanting "walang iwanan, hindi kami bayad," .

"Totoo rin yan dapat siguro walang tulog dahil alam naman natin ang daming nangyayari habang tayo ay natutulog," Marcos added.

"Tama yan isigaw ninyo na para marinig ng buong Pilipinas na dito sa Pampanga, buo at solid ang suporta sa likod ng tambalang Marcos at Duterte," Marcos continued.

The supporters also said that they were excited to go to Edsa for the victory party of the UniTeam.

-30-

FILIPINO VERSION

Landslide win nina BBM at Sara, siniguro ng mga Kapampangan

SINIGURADO ng mga Kapampangan na ipapanalo nila ng landslide ang tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. at running mate niya na si Mayor Inday Sara Duterte, matapos dagsain ng daang-libong supporter ang UniTeam grand rally sa Pampanga nitong Biyernes ng gabi.

Hindi mahulugang-karayom dahil sa dami ng tao ang malawak na lupain sa likod ng Robinson Starmills, San Fernando City, Pampanga.

Ilan sa mga supporters ay naglakad pa galing sa malalayong bahagi ng probinsya para mapakinggan at makita sina BBM at Sara.

Dumalo din sa programa sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Gov. Delta Pineda at Vice Gov. Nanay Baby Pineda, kasama ang apat na congressmen at dalawampung alkalde ng lalawigan.

Pagharap nina BBM at Sara sa mga Kapampangan ay agad na hiyawan at sigawan ang sumalubong sa kanila.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Inday Sara na naniniwala siya sa pangako ng mga Kapampangan na siguradong panalo na sila.

"Kapag sinabi ng Kapampangan na panalo na ang bisaya, malakas ang loob ko na panalo na ako," ayon sa alkade ng Davao City.

Ipinakilala naman ni GMA si Marcos sa mga Kapampangan bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.

Hinikayat naman ni BBM ang lahat na patuloy na magkaisa at bantayan mabuti ang mangyayaring halalan.

"Magkakatotoo yan(ang panalo) basta't walang iwanan, walang iwanan dahil tayo ay nagkaisa na," sabi ng pambato ng PFP.

"Totoo rin yan dapat siguro walang tulog dahil alam naman natin ang daming nangyayari habang tayo ay natutulog," aniya pa.

Kaugnay nito, sinabi ng mga Kapampangan na gusto nilang sa Edsa ganapin ang victory party ng UniTeam .

-30-