Masbate's rival political leaders unite behind BBM-Sara UniTeam

7 March 2022

LOCAL political leaders in Masbate have set aside their rivalries to rally their constituents and throw their full support behind presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and his running-mate Inday Sara Duterte for the May 9 elections.

To dramatize their commitment, the leaders led by incumbent Gov. Antonio Kho even signed a manifesto of support on Saturday in favor of Bongbong and Sara's candidacies.

Marcos visited the province on Saturday and conducted a caravan heading to Freedom Park in front of the Masbate Provincial Hall, where the grand rally was held.

Joining him in the motorcade were Kho and Partido Federal ng Pilipinas (PFP) provincial chairman Ruben Jude Lim, who were political rivals but opted to both support the BBM-Sara UniTeam.

At the grand rally, Lim said that the province must unite for Marcos and support his advocacy of a unifying leadership to effect change and progress in the province and the country.

“Tulad ng panawagan ng ating president (Bongbong) na dapat magkaisa tayo, dapat magkaisa buong Pilipino kaya mga Masbateño isapuso natin ‘yan, ang layunin ng ating president para tayong mga Masbateño mas madali ang pag-unlad ng ating probinsya,” said Lim.

“Sa mga Masbateño ipakita natin ang ating suporta hanggang sa May 9 2022, maraming salamat sa inyo sa pagsuporta niyo kay BBM at kay Inday Sara,” he added.

In the same program, Kho also formally declared BBM and Sara as their candidates in the upcoming election.

“As your governor, with this forging of alliances and with his great promises, I will declare Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. as our official candidate as president,” Kho declared.

Kho also stated that despite disagreements with Lim, and other provincial officials, they were united in their desire to support the BBM-Sara candidacies.

“Pasalamatan din po natin si PFP provincial chairman RJ Lim, and besides our local political struggle, we will be supporting a common candidate for president and vice president respectfully,” said Kho.

Marcos thanked local officials and thousands of Masbateños for their warm welcome.

Masbate is one of the provinces  in the Bicol Region, which is supposed to be a bailiwick of their rival Leni Robredo.

But Marcos is elated that Masbate has opted to choose him and Inday over their rivals.

Before the program ended, Kho and other provincial officials signed a "Manifesto of Support" for the BBM-Sara UniTeam.

Among the signatories were 17 mayors, two congressmen and 490 barangay captains.

-30-

FILIPINO VERSION

MAGKAKALABANG PULITIKO SA MASBATE NAGKAISA PARA SA UNITEAM

SINA presidential candidate Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. at ang kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte ang napiling  pambato ng buong lalawigan ng Masbate nang pirmahan nitong Sabado ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Governor Antonio T. Kho ang “manifesto of support” para sa kanilang tambalan.

Binisita ni Marcos nitong Sabado ang Lalawigan ng Masbate, kung saan nagkaroon ng caravan patungo sa Freedom Park, sa harapan ng Masbate Provincial Hall na pinag-ganapan ng UniTeam grand rally.

Sa caravan ay magkakasama sina Marcos, Gob. Kho at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) provincial chairman Ruben Jude Lim na magkalaban sa pulitika pero kapwa nagkaisa para suportahan ang BBM-Sara UniTeam.

Sa grand rally, sinabi ni Lim na dapat magkaisa na tulad ng panawagan ni Marcos, at aniya ay isapuso ang layunin ng pagkakaisa para sa ikauunlad ng probinsya ng Masbate.

“Tulad ng panawagan ng ating president (Bongbong) na dapat magkaisa tayo, dapat magkaisa buong Pilipino kaya mga Masbateño isapuso natin ‘yan, ang layunin ng ating president para tayong mga Masbateño mas madali ang pag-unlad ng ating probinsya,” sabi ni Lim.

“Sa mga Masbateño ipakita natin ang ating suporta hanggang sa May 9, 2022, maraming salamat sa inyo sa pagsuporta niyo kay BBM at kay Inday Sara,” dagdag ni Lim.

Sa nasabing programa ay opisyal na ring idineklara ni Kho ang BBM-Sara UniTeam bilang kanilang kandidato sa darating na halalan.

“As your Governor, with this forging of alliances and with his great promises, I will declare Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. as our official candidate as president,” deklarasyon ni Kho.

Sinabi din ni Kho na sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang partido ng tumatakbong alkalde na si Lim at ng ilang opisyal ng probinsya, ay nagkaisa sila sa hangarin na suportahan ang kandidatura ng BBM-Sara UniTeam.

“Pasalamatan din po natin si PFP provincial chairman RJ Lim, and besides our local political struggle, we will be supporting a common candidate for president and vice president respectfully,” sabi ni Kho.

Nagpasalamat naman si Marcos sa mga lokal na opisyal at sa libong-libong Masbateño sa mainit na pagsalubong sa kanya.

Bagama’t kabilang ang Masbate sa Bicol Region, nangibabaw pa rin ang pagmamahal ng mga supporters kay Marcos, umaga pa lang ay marami na ang naghihintay sa kanyang pagdating.

Bago naman matapos ang programa ay nilagdaan ni Kho at ng mga lokal opisyal ng probinsya ang isang “Manifesto of Support” para sa BBM-Sara UniTeam.

Kabilang sa lumagda ang 17 alkalde, dalawang congressmen at 490 kapitan ng barangay.

Naging matagumpay ang programa na nagtapos sa pinagkaisang pagtataas at hawak kamay ng mga lokal na opisyal kasama si Marcos.

Masayang umuwi ang mga taga Masbate bitbit ang pag-asa na sa wakas ay magkakaroon na rin sila ng mas maunlad na buhay sa ilalim ng pamumuno nina Marcos at Inday Sara.

-30-