Marikenyos commit to help BBM’s vote protection

20 March 2022

Tens of thousands of Marikenyos on Saturday vowed to protect the votes which will be cast for presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. come May 9 elections.

““Hindi kami papayag na dayain ka!” the crowd shouted in unison, interrupting the speech of presidential frontrunner during a grand rally held at the Marikina City Amphitheater on Saturday evening.

The audience were alluding to the massive cheating incident in 2016 when Marcos who was then running for vice president eventually lost despite leading by huge margins against his rival Leni Robredo through apparent computer manipulations and machinations.

The vow “Hindi kami papayag na dayain ka!” roared repeatedly like a mantra in the more than 20-hectare Riverbanks Center, Marikina City, as BBM-Sara UniTeam supporters shouted in chorus.

The BBM-Sara UniTeam held a large-scale rally on Saturday with supporters excitedly awaiting for them as early 5 a.m. bringing with them their posters and tarpaulins.

“Maaga palang nandito na kami, siguro mga 5 a.m. saktong dumating kami dito, ganon nalang ‘yung pagmamahal namin kay BBM at Sara, buo ang suporta namin sa kanila, lahat kami sa pamilya solid BBM-Sara,” according to a group of supporters.

“Sa sobrang excited ko na mabalitaan na darating si Marcos tsaka si Sara, hindi ako nakatulog ng maayos, ‘yung red na damit ko hinanap ko, hinanda ko, bumili ako ng cartolina, nagsulat ako kasi gusto ko mabasa nila ito para mapatunayan na kaisa nila ako,” one supporter said.

The heavy rain failed to dampen the enthusiasm of UniTeam supporters as they opted to stay and patiently waited for the arrival of Marcos, his running-mate Inday Sara Duterte and their senatorial slate.

Marcos did not disappoint them, and the cheering crowd cheered at him like he was a rock star and listened intently to every word that he said especially on his message about unity and his promise of healing leadership.

Shouts of “BBM!, may nanalo na!, Marcos pa rin!, panalo ka na!” reverberated as they all vowed to protect him from being cheated again.

“Maraming salamat, talaga naman ang gulat ng UniTeam, napakainit ng inyong pagtanggap sa ‘min dito sa Marikina, umulan na, pero mainit pa rin ang inyong pagtanggap, pagpasok ko kanina grabe ang daming tao,” Marcos said.

He went on to say that Marikina has clearly embraced the BBM-Sara UniTeam's desire for unity, as seen by the ecstatic cheers of the crowd.

“Isigaw ninyo para marinig ng buong Pilipinas na dito sa Marikina, nagkaisa na sa likod ng UniTeam at sa tambalang Marcos-Duterte, nakikita namin na mahalaga ito dahil alam namin na galing sa puso ang inyong sigaw, pagkamay at suportang ibinibigay niyo sa amin,” he continued.

Marcos paused for a while in the middle of his speech as Marikeños shouted, “hindi kami papayag na dayain ka” in unison.

Marcos was obviously delighted and appreciative  of their great desire to help and protect  him.

“Hindi na tayo papayag, pagdating ng Mayo padadalhan ko kayo ng tone-toneladang kape, walang iidlip, kapag naiidlip minamalas tayo eh,”  Marcos jokingly said.

“Walang tulugan, walang tulugan, walang tulugan!” his supporters shouted.

On the whole, the grand rally was a great success and was attended by hundreds of thousands of BBM-Sara supporters, according to the estimates of the Philippine National Police (PNP)-Marikina.

In addition, the live broadcast of SMNI attracted over 2.9 million viewers online.

-30-

FILIPINO VERSION

MGA MARIKENYO POPROTEKTAHAN ANG BOTO NI BBM

IPINAGDIINAN ng mga taga-Marikina na sa pagkakataong ito ay hindi na sila papayag pa na muling madaya si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.  sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022.

Matatandaang nagkaroon ng matinding dayaan noong 2016 kung saan sa panahong iyon ay tumatakbong bise-presidente si Marcos, subalit natalo sa hindi maipaliwanag na dahilan bagamat malaki ang naitalang lamang sa katunggali nitong si Leni Robredo.

Ang hiyawang “Hindi kami papayag na dayain ka!” ay dumagundong sa mahigit 20 ektaryang sakop ng Riverbanks Center, Marikina City noong Sabado, kung saan ginanap ang grand rally ng BBM-Sara UniTeam na dinumog ng libo-libong mga taga-suporta.

Mayroong mga supporters na alas singko (5 a.m.) pa lang ng umaga ay tumungo na sa Riverbanks Center, ang ilan naman ay naghanda ng kanilang karatula na kanilang dadalhin sa rally, may hindi rin nakatulog dahil sa balitang bibisita ang UniTeam sa kanilang lugar.

“Maaga palang nandito na kami, siguro mga 5 a.m. saktong dumating kami dito, ganon na lang ‘yung pagmamahal namin kay BBM at Sara, buo ang suporta namin sa kanila, lahat kami sa pamilya solid BBM-Sara,” ayon sa isang grupo.

“Sa sobrang excited ko nang mabalitaan na darating si Marcos tsaka si Sara, hindi ako nakatulog ng maayos, ‘yung red na damit ko hinanap ko, hinanda ko, bumili ako ng cartolina, nagsulat ako kasi gusto ko mabasa nila ito para mapatunayan na kaisa nila ako,” wika naman ng isang supporter.

Sa kabila ng nangyaring pag-ulan, hindi kumalas sa kanilang kinatatayuan ang mga supporters ng UniTeam, matiyagang hinintay ang pagdating ni Marcos at Duterte, dala ang kanilang mga payong bilang panangga sa malakas na buhos.

Hindi naman sila binigo ni Marcos, at ang tilian ng mga tao ay nakakamangha sa tuwing gagalaw si Marcos ay para siyang isang rockstar at ang madla ay seryosong nakikinig sa bawat bigkas ng salita ng dating senador tungkol sa pagkakaisa at pangakong pag-unlad sa bansa.

Sinisigaw nila “BBM!, may nanalo na!, Marcos pa rin!, panalo ka na!” na dumagundong sa lugar habang ipinangako nila na poprotekatahan nila si Marcos upang hindi na madaya muli.

“Maraming salamat, talaga naman ang gulat ng UniTeam, napakainit ng inyong pagtanggap sa ‘min dito sa Marikina, umulan na, pero mainit pa rin ang inyong pagtanggap, pagpasok ko kanina grabe ang daming tao,” ani Marcos.

Sinabi pa ng dating senador na tunay ngang niyakap na ng mga Marikeño ang adhikain ng BBM-Sara UniTeam na pagkakaisa, kitang-kita at ramdam na ramdam aniya ito dahil sa masayang sigawan ng mga tao.

“Isigaw ninyo para marinig ng buong Pilipinas na dito sa Marikina, nagkaisa na sa likod ng UniTeam at sa tambalang Marcos-Duterte, nakikita namin na mahalaga ito dahil alam namin na galing sa puso ang inyong sigaw, pagkamay at suportang ibinibigay niyo sa amin,” sabi ng pambato ng PFP.

Napahinto naman si Marcos sa kalagitnaan ng kanyang talumpati nang sinabi ng mga Marikeño ang “Hindi kami papayag na dayain ka” ng hindi magkamayaw at sabay-sabay.

“Hindi na tayo papayag, pagdating ng Mayo padadalhan ko kayo ng tone-toneladang kape, walang iidlip, kapag naiidlip minamalas tayo eh,” pabirong banggit ni Marcos.

“Walang tulugan, walang tulugan, walang tulugan!” sambit ng mga supporters.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang isinagawang grand rally sa Riverbanks Center, Marikina City na dinaluhan ng daang-libong BBM-Sara supporters, ayon na rin sa Philippine National Police (PNP)-Marikina.

Dagdag pa diyan ang bilang ng nanuod sa live broadcast ng SMNI na may naitalang mahigit 2.9 milyong viewers.

 -30-