MARCOS EYES ALL-OUT SUPPORT FOR FISHERMEN

28 March 2022

THE fishery sector will receive a much-needed boost under the administration of presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong' Marcos who promised to uplift the lives of fisherfolk by modernizing their fishing vessels and providing them with needed equipment to ensure their higher catch and safer voyage in the sea.

During the SMNI's 'Deep Probe' presidential interview, Marcos said there is a need for the government to attend on the needs of the fishermen because most of them are still stuck with their old boats, many of which have already seen better days.

"In our fisheries, there is a very good potential for us kung ayusin lang natin ang ating kinukuhanan ng isda. Number one, bigyan natin ang ating mangingisda ng mas malaking bangka. Maliliit lang yung bangka nila and they have to go out already 12 kilometers kasi overfished na dito sa loob," he said.

Marcos said local fishermen must be safe and be assured that they get all the fish they need without intervention from other nations.

"Then of course, patrols kasi maraming nagpo-poach sa atin," he said.

Marcos highlighted the need of the fishing industry after previous announcement by the government that the country will start importing galunggong from other country.

"There are other things that need to be done as well, the fact that we are importing galunggong has been made very public, it’s very clear that it is quite a surprise for us to get into that situation. But again it really comes from the neglect in the agriculture and fisheries sector," he said.

As part of the agriculture sector, Marcos said fishermen, as well as farmers, must have all new and best techniques and technologies.

During the SMNI's debate last month, Marcos also bared his foreign policy on how he will handle the territorial dispute in the West Philippine Sea for Filipino fishermen to be able to go back where they have been fishing for over a hundred years already.

-30-

FILIPINO VERSION

Todong tulong sa mga mangingisda ilalatag ni BBM

MAS magandang buhay at ligtas na paglalayag sa mga karagatan ang pangako ni presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. para sa mga mangingisda, at sa industriya ng pangingisda sa pamamagitan ng pagbubuhos ng lahat ng mga kailangan nilang suporta.

Kabilang sa unang plano niyang gawin matapos niyang manalo sa Mayo 9 ay ipa-modernize ang kanilang sistema ng pangingisda sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga makabagong mga bangka at iba pang kailangan nilang mga kagamitan upang masigurong marami silang huli at ligtas habang nasa karagatan.

Sa kanyang nilahukan na SMNI 'Deep Probe' presidential interview, sinabi ni Marcos na kailangang tugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga mangingisda dahil ilan sa kanila ay nanatiling gumagamit ng mga lumang bangka.

"In our fisheries, there is a very good potential for us kung ayusin lang natin ang ating kinukuhanan ng isda. Number one, bigyan natin ang ating mangingisda ng mas malaking bangka. Maliliit lang yung bangka nila and they have to go out already 12 kilometers kasi overfished na dito sa loob," sabi niya.

Ayon kay Marcos, dapat ligtas din ang mga mangingisda at nakakasigurong makuha ang lahat ng kailangan nilang huli na walang pangamba na gagambalain sila ng mga dayuhan sa pamamagitan ng pagdadagdag ng patrolya sa karagatan.

"Then of course, patrols kasi maraming nagpo-poach sa atin," he said.

Binigyang diin ni Marcos ang pangangailangan na palakasin ang industriya ng pangingisda matapos ianunsyo kamakailan ng pamahalaan na kailangang mag-angkat ng galunggong mula sa ibang bansa.

"There are other things that need to be done as well, the fact that we are importing galunggong has been made very public, it’s very clear that it is quite a surprise for us to get into that situation. But again it really comes from the neglect in the agriculture and fisheries sector," sabi niya.

Bilang parte ng sektor ng agrikultura, ang mga mangingisda, pati mga magsasaka, ay dapat magkaroon ng lahat ng bago at magagandang pamamaraan at teknolohiya aniya pa.

Sa ginanap na SMNI debate naman noong nakaraang buwan, inilatag din ni Marcos ang kanyang foreign policy kung paano niya solusyunan ang problema sa West Philippine Sea, upang ang mga mangingisdang Pilipino ay makakapangisda ng muli sa lugar kung saan matagal na silang kumukuha ng kanilang ikinabubuhay.

-30-