Marcos camp calls for intelligent, platform-focused debates

12 February 2022

THE camp of presidential candidate Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. on Wednesday said future political debates should center on the candidates'  platform of government instead of becoming a venue for mudslinging that only incite hate.

In his interview at ANC's Headstart program, Marcos’ spokesperson and Chief-of-Staff Atty. Vic Rodriguez stood firm on the stance of veering away from debates that pit candidates against each other.

"Pagod na ang sambayanang Pilipino sa bangayan. Pagod na ang tao sa awayan. Ngayon kung tayo ay maglalagay lang ng forum para mag-enjoy at makitang nag-aaway si 1, 2, 3, 4, 5 candidates, hindi kami sasali diyan,” Atty. Rodriguez said during the interview.

Marcos previously declined to attend debates organized by GMA Network and the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Rodriguez made it clear that having intelligent discussions on critical issues relevant to people's lives should be the primary objective of any debate or forum. 

He added that Marcos respects the sentiments of Filipinos yearning for substantive discourse on proposed solutions to the country's perennial problems.

“Titingnan namin, kung ang direksyon lamang ay pag-away-awayin ang kandidato, I tell you now, hindi kami sasali dahil nirerespeto namin ang sentimiyento ng sambayanang Pilipino,” Rodriguez added.

Atty. Rodriguez also suggested a fundamental shift in the format of future debates and forums. 

He added that it should not be adversarial and instead be similar to a presidential interview where impartiality and professionalism among the hosts or interviewers prevail.

“It should be a presidential interview rather than a debate. Hindi ka naman makikipagtalo sa magiging mga amo mo. Magpapa-interview ka, and let your bosses or management choose among the best, and let them decide. Hindi ‘yung makikipagtalo ka sa management or sa kapwa natin aplikante,” he added.

The UniTeam recently held its proclamation rally in the Philippine Arena in Bulacan on Tuesday, the official start of the 90-day campaign period for the 2022 elections.

Crowd estimates of the UniTeam put the number of people who attended at 30,000. 

The event was also live-streamed via the UniTeam Facebook page, where no less than 3.5Million people watched.

-30-

FILIPINO VERSION    

BBM SPOX NANAWAGAN PARA SA MAS INTELIHENTE AT PLATFORM-BASED DEBATE

NILINAW ng kampo ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na hindi kailanman umaatras ang pambato ng UniTeam sa anumang uri ng debate, ngunit ang ganitong mga programa ay dapat sumentro sa plataporma ng kandidato at hindi maging lugar upang sila ay magsiraan.

“Pagod na ang sambayanang Pilipino sa bangayan. Pagod na ang tao sa awayan. Ngayon kung tayo ay maglalagay lang ng forum para lang mag enjoy makitang nag-aaway si 1, 2, 3, 4, 5 candidates, hindi po kami sasali riyan dahil alam namin ang gustong marinig ng taumbayan ay solusyon dito sa problemang ating kinakaharap,” pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, spokesman at chief of staff ni Marcos, sa isang panayam.

Hindi aniya takot sa debate si Marcos at mas tingin lamang ng BBM-Sara UniTeam na higit na epektibo ang isang format na one-on-one interview dahil mas napapakinggan ang mga plataporma de gobyerno ng isang kandidato.

“To me personally, to my mind, sinasabi ninyo sila ‘yung applicant for the highest position in the land, president, eh hindi ba kapag nag-aapply ka dyan (sa inyong istasyon) hindi ka naman para makipag-debate sa management kundi magpapa- interview ka,” ani Rodriguez.

“(Kaya) mas dapat malaking tulong para sa pambansang pagkakaisa kung ang format ay isang ‘presidential interview,’ sa halip na debate,” sabi pa ni Rodriguez.

“It should be a presidential interview rather than a debate. Hindi ka naman makikipagtalo sa magiging mga amo mo hindi ba? Kundi magpapa-interview ka and let them, your boses, or the management choose among the best and let them decide. Hindi ‘yung nakikipagtalo tayo sa management o sa kapwa aplikante. Hind ‘yun ang aming pananaw dito sa ginagawa nating kampanya para sa May 9, 2022 elections,” dagdag pa ng abogado.

Hindi rin totoo umano na takot humarap sa media o anumang uri ng forum si Marcos dahil marami na rin itong pinaunlakan bago pa magsimula ang pormal na kampanyahan nitong nakalipas na Pebrero 9.

“Hindi siya umiiwas at ang dami nang interviews ni presidential candidate Bongbong Marcos. Nandyan yung DZRH.  Two hours ‘yan live. Nandyan yung kay Boy Abunda. Nandyan ‘yung DZBB. So lahat yan nagpapasuri siya,” ani Rodriguez.

“Subalit titignan namin kung ang direksyon lamang ay pag-away-awayin ang mga kandidato, I tell you now in your program, hindi kami sasali dahil nirerespeto namin ang sintemyento ng sambayanang Pilipino.  Pagod na ho ang tao. Ang daming walang trabaho, ang daming underemployed. Ayaw na ho ng Pilipino ng awayan. Ang kailangan nilang marinig, ‘Bakit kita iboboto.’ ‘Ano ang solusyon mo sa problemang kinahaharap ng ating bansa’,” pagtatapos pa ng tagapagsalita ni Marcos.

-30-