Maharlika TV : Pilar-Balanga Bataan UniTeam motorcade, grand rally dinaluhan ng libo-libong supporters

17 March 2022

By Maharlika TV

Walang puknat ang hiyawan at tilian ng libo-libong supporters ng BBM-SARA UniTeam sa caravan nila mula sa Pilar, Bataan patungong Balanga, Bataan nitong Huwebes.

Napahinga lamang ito nang bumaba ang leading presidential candidate Bongbong Marcos sa motorcade at ipinagdasal ni Bishop Ruperto Cruz Santos sa loob ng Balanga Cathedral (dating San Jose Cathedral/featured image).

Libo-libo rin ang dumalong supporters ng nangungunang presidential candidate pati na ang buong entourage nito sa grand rally nila sa Balanga Sports Complex.

(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)