Maharlika TV : Pagpababa sa presyo ng krudo, enerhiya prayoridad ni BBM

23 April 2022

By Maharlika TV

FACT CHECK: Ayon kay presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay prayoridad niya ang pagpapababa sa presyo ng krudo at enerhiya.

Labis at sunod-sunod ang naging pagtaas ng presyo ng mga oil products bunsod na din ng nagaganap na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagtulak pataas sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Lubhang ikinababahala ng mga lokal na motorista at konsyumer ang mga nasabing pagtaas.

Samantala iminungkahi ni Marcos Jr. na ipatupad muli ang (OPSF) na inimplementa noong panahon ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Let’s say if the price increase is from Sunday to Monday, instead of increasing the full — let’s say we’re going to increase by I don’t know … by P5, that’s it. Instead of doing it all in one shot, we do it slowly by having a stabilization fund,” ani ni Marcos Jr. sa isang panayam sa SMNI.

Makakayanan nga ba ni Marcos o feasible nga ba ang pagpababa ng presyo ng krudo at enerhiya?

Rating: Makakayanan! True!

Ang Oil Price Stabilization Fund (OPSF) ay napatupad noong 1984, ni dating Pangulong Ferdinand E Marcos Sr. Layunin nito na ma-protektahan ang mga konsyumer, sa labis na pag-taas ng gasolina sa pandaigdigang merkado. Sa ilalim ng programa ang mga kumpanya ng langis ay mag-aambag ng isang bahagi ng kanilang mga benta sa OPSF, upang magsilbing pondo sa mga panahong may pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado. Kinalaunan ay inabandona nga lamang ito sa termino ni dating Pangulong Fidel V Ramos.

Hinihikayat namang ibalik ito ni Marcos Jr. dahil naniniwala syang labis itong makakatulong sa pagkontrol at pagbaba ng presyo ng krudo. Bukod dito nais niya ding aralin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) upang sa posibleng pag-papatakbo nito o pagtatayo ng mga katulad na planta. Gayunpaman ang layon ni Marcos ay magkaroon ng alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya sa mas murang halaga.

Mga konkretong planong hakbang ni Marcos upang mapababa ang presyo ng crudo:

• Pagpapatupad muli ng Oil Price Stabilization Fund (OPSF)

• Pag-aambag ng mga kumpanya ng porsyento ng kanilang kita sa ilalim ng (OPSF) para masiwata ang impact ng anumang pagtataas sa global market price

• Pag bisita muli sa Bataan Nuclear Power Plant

• Pag-kakaroon ng alternatibong pagmumulan ng enerhiya upang bumaba ang presyo nito.

Mga source:
Pag-papatupad muli ng (OPSF) kapag nanalo si “Bongbong” Marcos:
https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/822411/bongbong-will-revive-opsf-review-nuke-plant-use-adviser/story/

Pag bisita muli ni “Bongbong” sa Bataan Nuclear Power Plant:
https://newsinfo.inquirer.net/1556975/bongbong-marcos-to-revisit-bataan-nuclear-power-plant-opsf-adviser

OPSF sa panahon ng dating Presidente Ferdinand E Marcos:
https://businessmirror.com.ph/2021/10/21/freeze-excise-tax-revive-opsf-bbm/#:~:text=The%20OPSF%20was%20set%20up%20in%201984%20by,abandoned%20during%20the%20term%20of%20President%20Fidel%20Ramos

Nilalaman ng interview ni “Bongbong” noong 2018 kasama si Erwin Tulfo:
https://www.bongbongmarcos.com/news/bbm-proposes-return-of-opsf-to-shield-filipinos-from-oil-prices/

Interview ni “Bongbong” sa SMNI patungkol sa (OPSF)
https://www.msn.com/en-ph/news/other/the-deep-probe-with-former-sen-bongbong-marcos-jr-oil-price-stabilization-fund/vi-AAW5jcd

Fact-check by: Mina A

“WE FACT CHECK THE FACT-CHECKERS WHEN THEY FUCK UP.”

For more News, Showbiz and Sports updates visit our official Social Media Accounts:
http://www.maharlika.tv
http://www.facebook.com//MaharlikaTVNow
http://www.youtube.com//MaharlikaTVNow
http://www.facebook.com/MaharlikaTVShowbizAndSportsOfficial