Maharlika TV - Leonen may desisyon na sa VP protest ni Marcos vs Leni

News & Interviews
1 February 2021

By Maharlika TV

MANILA – Matapos ang mahigit isang taon, natapos na ni Supreme Court Associate Justice Marvic Mario Victor Leonen ang draft ruling sa protesta ni dating senador Ferdinand Marcos Jr. sa panalo ni Leni Robredo noong 2016 vice presidential elections.

Nalaman ng Manila Times mula sa mapagkakatiwalaang source sa Korte Suprema na isinumite na ni Leonen ang 97-pahinang draft resolution na may kasamang dalawang pahinang memorandum kay Chief Justice Diosdado Peralta.

Dinidinig ng Korte Suprema, na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), ang protesta ni Marcos ukol umano sa maanomalyang election returns sa mga presinto sa Mindanao.

Isinumite ni Leonen noong Enero 12 ang draft decision, katuparan ng kanyang pangako na mamadaliin ang kaso na halos hindi umusad mula nang ito’y mai-raffle sa kanya,

Ayon sa source ng Manila Times, personal na iniabot ni Leonen ang draft sa mga kapwa mahistrado sa kanilang en banc session bilang pag-iingat na baka mag-leak ang dokumento.

Taglay nito ang kakaibang watermark ni Leonen – mga karakter ng baybayin para sa salitang “confidential” sa bawat pahina ng dokumento. Ang baybayin ay sinaunang sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino.

Hiniling din ni Leonen sa mga kapwa mahistrado na pirmahan ang kopya ng draft bilang seguridad kontra sa leakage. (AI/FC/MTVN)