La Union residents go all in for BBM; describe him as symbol of solidarity.

26 February 2022

LA Union Gov. Francisco Emmanuel Ortega III said the province will give its full support to presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and his UniTeam because they see him as the “symbol of unity” that will help the country in recovering from the pandemic.

Gov. Ortega made the declaration Friday night in-front of a jam-packed crowd at the Poro Point Baywalk in San Fernando during the UniTeam’s grand rally.

“Tunay na pagkakaisa at pag-unlad ng buong Pilipinas ang kanyang hangarin. Hawak niya ang mga pangarap at mithiin ng bawat Pilipino na kanyang dadalhin at tutuparin sa hinaharap,” Gov. Ortega said.

“Dahil dito nakuha niya ang suporta, tiwala at pagmamahal hindi lamang dito sa ating rehiyon, kundi sa lahat ng bahagi ng bansa,” he announced before introducing Marcos to his constituents.

The governor also assured the solid support of La Union to the UniTeam of Marcos and his running-mate vice presidential candidate Inday Sara Duterte.

“For a stronger La Union, for a stronger Region 1 for a stronger Philippines nandito po ang idol ng buong Ilocandia. Ang rason kung bakit buhay na buhay ang solid north. Ang nag-iisa at karapat-dapat na susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas, Bongbong Marcos,” the governor added.

He explained that La Union is going all in for BBM because of his unifying call despite all the criticisms hurled against him.

“Sa gitna ng lahat hindi siya natitinag. Bagkus lalo pang umaangat. Lalo pang umaangat ang ating minamahal bilang simbolo ng pagkakaisa at pag-unlad,” Ortega added.

For his part, Marcos said that he and his UniTeam were overwhelmed over the warm reception of the people of La Union during their one-day campaign sortie in the province.

“Mababawi ko lamang ito sa pamamagitan ng pag-serbisyo sa taong-bayan sa pag-serbisyo sa inyo, pag-serbisyo sa bawat mamamayang Pilipino at pag-serbisyo sa Republika ng Pilipinas,” said Marcos.

The presidential bet also laid down his platform including his priority programs to recover from the pandemic.

He specifically mentioned the support in micro, small and medium enterprises (MSMEs), healthcare, agriculture, tourism, energy, infrastructure, digital infrastructure and other programs that will create jobs for the Filipinos.

“Maraming-marami po tayong kailangang gawin para masabi na tayo ay naka-recover na dito sa krisis ng ekonomiya,” Marcos stressed.

But he insisted that we cannot achieve this recovery without the unity of the people in the entire country.

“Alam natin na kahit gaano kagaling, kahit gaano kasipag at kahit gaano katapat ang pagmamahal sa Pilipinas kung siya ay isang tao lamang (ay wala ring magagawa),” Marcos noted.

“Ang kailangan natin ay ang pagsasama-sama natin ipagbuklod- buklod nating lahat ng galing, lahat ng sipag, lahat ng bait at lahat ng kakayanan ng buong madlang Pilipino. Para kaya nating harapin ang lahat ng hamon na dadalhin ng kasaysayan dito sa ating bansang Pilipinas,” Marcos added.

-30-

FILIPINO VERSION

La Union todo suporta kay BBM; tinawag na simbolo ng pagkakaisa

BUONG suporta ang ibibigay ng lalawigan ng La Union para sa kandidatura ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at sa kanyang UniTeam,  dahil naniniwala si Gov. Francisco Emmanuel Ortega III at kanyang mga kababayan, na siya ang tunay na “simbolo ng pagkakaisa" na makatutulong sa bansa upang umunlad at makabangon mula sa pandemya.

Ito ang pahayag ni Ortega sa harap ng libo-libong tao sa Poro Point Baywalk sa San Fernando kung saan ginanap ang grand rally ng UniTeam.

“Tunay na pagkakaisa at pag-unlad ng buong Pilipinas ang kanyang hangarin. Hawak niya ang mga pangarap at mithiin ng bawat Pilipino na kanyang dadalhin at tutuparin sa hinaharap,” sabi niya.

“Dahil dito nakuha niya ang suporta, tiwala at pagmamahal hindi lamang dito sa ating rehiyon, kundi sa lahat ng bahagi ng bansa,” sabi ni Ortega bago niya iniharap sa kanyang mga nasasakupan si Marcos.

Tiniyak din ng gobernador na solido ang suporta ng buong La Union para sa UniTeam ni Marcos at kanyang running-mate na si vice presidential candidate Inday Sara Duterte.

“For a stronger La Union, for a stronger Region 1, for a stronger Philippines nandito po ang idol ng buong Ilocandia. Ang rason kung bakit buhay na buhay ang solid north. Ang nag-iisa at karapat-dapat na susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas, Bongbong Marcos,” dagdag ni Ortega.

Ayon sa kanya, “all-in” ang suporta ng La Union para kay BBM dahil sa kanyang panawagang pagkakaisa sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa kanya.

“Sa gitna ng lahat hindi siya natitinag. Bagkus lalo pang umaangat. Lalo pang umaangat ang ating minamahal bilang simbolo ng pagkakaisa at pag-unlad,” dagdag ni Ortega.

Ayon kay Marcos, ang mainit na suportang natanggap niya at ng buong UniTeam sa kanilang isang araw na campaign sortie sa lalawigan ay nakakataba ng puso.

“Mababawi ko lamang ito sa pamamagitan ng pag-serbisyo sa taong-bayan, sa pag-serbisyo sa inyo, pag-serbisyo sa bawat mamamayang Pilipino at pag-serbisyo sa Republika ng Pilipinas,” wika niya.

Inilatag din ni Marcos ang kanyang plataporma kasama ang kanyang mga prayoridad na programa para makabangon mula sa pandemya.

Partikular niyang binanggit ang suporta sa micro, small and medium enterprises (MSMEs); healthcare, agrikultura, turismo, enerhiya, imprastraktura, digital infrastructure at iba pang programa na lilikha ng trabaho para sa mga Pilipino.

“Maraming-marami po tayong kailangang gawin para masabi na tayo ay naka-recover na dito sa krisis ng ekonomiya,” pagbibigay diin niya.

Iginiit niya na hindi makakamit ang pagbangon mula sa krisis kung wala ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa buong bansa.

“Alam natin na kahit gaano kagaling, kahit gaano kasipag at kahit gaano katapat ang pagmamahal sa Pilipinas kung siya ay isang tao lamang (ay wala ring magagawa),” sabi ni Marcos.

“Ang kailangan natin ay ang pagsasama-sama natin, ipagbuklod-buklod nating lahat ng galing, lahat ng sipag, lahat ng bait at lahat ng kakayanan ng buong madlang Pilipino. Para kaya nating harapin ang lahat ng hamon na dadalhin ng kasaysayan dito sa ating bansang Pilipinas,” dagdag pa nito.

-30-