Join the campaign (Learn More)

‘JOY RIDE,’ ‘ANGKAS’ RIDERS ROAR FOR BBM-SARA UNITEAM 2022

Press Releases
9 December 2021

AROUND one thousand of "Joy Ride" and "Angkas" riders have joined the unity caravan of the BBM- Sara UniTeam along the stretch of Commonwealth, Quezon City on Wednesday to show their strong and solid support for the formidable tandem.

Clad in their blue uniform, the riders joined the waves of crowds that settled in the sea of humanity mustered by the Unity Ride, as their motorcycles roared in total display of their wholehearted support and admiration for presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. and vice presidential aspirant Mayor Sara “Inday” Duterte.

"Nandito kami para ipakita ang aming buong suporta sa BBM-Sara, tuloy tuloy na itong byahe na ‘to hanggang 2022. Solid BBM-Sara kami!," one of the riders said.

Aside from the thunderous roaring of the machine, each rider showed their love and salute to the tandem carrying a unifying leadership by shouting and blowing their horns every time the caravan moves forward.

The stretch of the widest road in the country was filled with every group and residents from Quezon City, even residents from nearby cities joined the BBM-Sara UniTeam caravan.

The first successful caravan in the National Capital Region (NCR), ending at Welcome Rotonda, lasted for five hours.

-##-

FILIPINO VERSION

‘JOY RIDE’ AT ‘ANGKAS’ RIDERS BIYAHENG BBM-SARA UNITEAM SA 2022

NAKILAHOK sa caravan ng BBM-Sara UniTeam ang grupo ng mga "Joy Ride" at "Angkas" riders na ginanap sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City noong Miyerkules (December 8, 2021).

Tinatayang nasa isang libo (1,000) na pinagsamang "Joy Ride" at "Angkas" riders ang sumama sa caravan ng BBM-Sara UniTeam. Sila ay nagpakita rin ng kanilang solidong suporta at pagmamahal sa tambalan.

Nagmistulang alon na sumabay sa karagatan ng pula at berde ng tagumpay ng caravan ang mga riders na nakasuot naman ng kanilang uniporme na kulay asul, anya nais din nilang ipakita ang kanilang buong pagmamahal at paghanga sa BBM-Sara UniTeam.

"Nandito kami para ipakita ang aming buong suporta sa BBM-Sara, tuloy tuloy na itong byahe na ‘to hanggang 2022, solid BBM-Sara kami," ayon sa mga riders.

Kanya-kanyang busina at sigaw na may pagmamahal sa bawat arangkada ng caravan, bawat isa ay may pagsaludo sa tambalang dala ang adbokasiya ng pagkakaisa.

Napuno ang kahabaan ng kilalang pinakamalawak na kalsada, ang Commonwealth Avenue, ng ibat-ibang grupo at residente ng Quezon City, maging mga residente ng kapit-bahayan na mga lungsod ay sumama rin sa Caravan ng BBM-Sara UniTeam.

Sa kabuoan umabot sa limang oras ang caravan na  natapos sa Welcome Rotonda, ang Unity Ride na naging lubos na matagumpay sa unang arangkada nito sa National Capital Region (NCR).

-##-