Journal News Online : Pagkakaisa panawagan ni Bongbong

17 January 2022

By Ryan Ponce Pacpaco | Journal News Online

Para sa malinis na halalan matapos ibasura ng Comelec petisyon para ikansela ang kanyang CoC

IKINATUWA ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang desisyon ng Commission on Elections sa pagtugon umano nito sa itinakda ng batas na nagbibigay ng karapatan sa kanya na tumakbo bilang pangulo ng bansa na walang anumang diskriminasyon at harassment.

Sa 32-pahinang desisyon ng Comelec Second Division na nilagdaan ni Presiding Commissioner Socorro Inting at sinang-ayunan nila Commissioners Antonio Kho at Rey Bulay, iginiit nito na walang merito ang kaso kaya ibinasura nila ang petisyon laban kay Marcos.

Nauna nang iginiit ng mga petitioner na hindi maaaring tumakbo si Marcos sa kahit anong posisyon sa gobyerno dahil sa “false material representation” nito nang sabihin niya sa kanyang CoC na hindi siya naparusahan ng perpetual disqualification, pero kinontra ito ng Comelec at sinabing, “while such information was material, it was not false.”

“Respondent cannot be said to have deliberately attempted to mislead, misinform, or hide a fact which would otherwise render him ineligible,” ayon sa ruling ng Second Division.

Ayon sa mga abogado ni Marcos, base sa Court of Appeals amended decision noong 1997, “it did not categorically hold that respondent is convicted of a crime involving moral turpitude nor did it positively pronounce that respondent is meted with the penalty of imprisonment of more than 18 months.”

“After according the petitioners’ right to have their day in court where their case was fully heard and ventilated, the Comelec has unanimously spoken — the petition to cancel the certificate of candidacy of Bongbong Marcos was denied,” ayon naman sa pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni Marcos.

“The petitioners’ mere creativity for writing and wanting what is not written in the law as basis to cancel the certificate of candidacy of presidential aspirant Bongbong Marcos is way too frivolous and unmeritorious to override the basic precepts of the Constitution,” dagdag pa niya.

Kasabay nito ang panawagan naman ng kampo ni Marcos ng pagkakaisa para sa malinis at maayos na halalan sa 2022.

“We are extending our hand of unity even to the fiercest of adversaries and invite them to work together in ensuring clean, fair, and credible elections as our initial collective contribution towards nation-building for the future of our people, the Filipino children and the youth, and for our beloved Philippines to move forward,” pahayag pa ni Rodriguez.