Join the campaign (Learn More)

Journal News Online : Class E voters boto ke BBM- OCTA survey

News & Interviews
28 December 2021

By Ryan Ponce Pacpaco | Journal News Online

LABING-ISA lamang mula sa 100 botanteng Pinoy na tinatawag na mga nasa laylayan ng lipunan o ‘poorest of the poor’ ang boboto kay presidential aspirant Leni Robredo kung ginanap ang halalan noong nagdaang Disyembre 7-12, taong kasalukuyan.

Sa kabaligtaran, 46 botante naman mula sa 100 Pinoy na mula sa Class E voting sector ang pumapabor sa kanididatura ni Bongbong Marcos, base na rin sa pinaka-latest na resulta ng survey na isinagawa ng OCTA Research, na isang grupo ng mga propesor na karamihan ay mula mismo sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ang mamamayang mula sa Class E ay mga mahihirap na kababayan na walang sariling bahay o iyong tinatawag na ‘isang kahig, isang tuka.’

Sila rin iyong kalimitang binabansagan na nasa laylayan ng lipunan na karamihan ay walang trabaho o kung hindi man ay walang sapat na kita para mabuhay ng maayos ang kani-kanilang pamilya.

Sila rin iyong mayoryang bilang ng mga botante sa bansa at ang pagpapakita ng nila ng suporta kay Marcos ay nangangahulugan na nakikita nila siya bilang simbolo ng pag-asa sa pag-ahon sa kahirapan.

Kahit ang Class D o mga ‘working class’ ay nagpahayag ng pagpabor sa kandidatura ng standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas.

May 55 posiyentong boto ang nakuha ni Marcos dito, samantalang 63 percent naman ang nakuha ng dating senador mula sa economic Class ABC.

Kinukumpirma ng mga numerong ito na anumang antas ng lipunan ngayon – mayaman o mahirap – ay nagkakaisang naniniwala sa liderato ni Marcos kung saan ay halos ganitong bilang din ang nakuha nito mula sa ibang survey firms, tulad ng SWS, Publicus, Kalye Survey, DZRH, RMN and Pulse Asia.

Kung si Marcos ay may 46 percent mula sa ‘marginalized class,’ malayo itong hindi hamak sa 11 percent na nakuha ni Leni Robredo.

Mas pumangalawa pa kay Marcos si Isko Moreno mula sa 23 porsiyentong boto na nakuha nito.

Pangatlo si Robredo; pang-apat si Manny Pacquiao na may anim na porsiyento at panglima naman si Ping Lacson na nakakuha ng ‘four percent.’

Sa Class ABCD, maliban kay Marcos, ang mga katunggali nito ay mababa na sa 15percent ang mga nakuhang boto.

Ang running-mate ni Marcos na si Inday Sara Duterte ay nakakuha rin ng impresibong 58 percent mula sa Class E, habang malayong nakasunod sa kanya si Tito Sotto na may 33 percent.

Sobrang layo rin ng mga katunggali na sina Kiko Pangilinan na may tatlong porsiyento; dalawang porsiyento si Willie Ong at one percent lang ang nakuha ni Lito Atienza.

“The overwhelming figures Bongbong received in the OCTA Research survey humbles all of us in the BBM-Sara UniTeam as we all strive to be better in our tasks of meeting the expectations and aspirations of our supporters and the rest of the Filipino people,” pahayag naman ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at spokesman ni Marcos.

“We shall not blink, we shall not falter, until every voice is heard through the ballot until every soul is counted on Election Day,” sabi pa nito.