Journal News Online : BBM V-Sign hatid peace, tagumpay

10 April 2022

By Ryan Ponce Pacpaco | Journal News Online

KUNG ang L sign ni Leni Robredo ay itinuturing na simbolo ng talunan, kamalasan at kabiguan, kakaiba naman ang tingin ng karamihan sa V sign ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., dahil ito’y may hatid na tagumpay at kapayapaan.

Sa mga pagpapalitan ng kuro-kuro sa social media, malaki aniya ang kaibahan ng Laban sign ni Robredo kumpara sa Victory sign ni BBM.

Ayon kay Philip Matienza ng Sampaloc, Manila sa salita pa lang ay ‘negative’ na agad ang dating ng Laban sign ni Robredo kumpara sa Victory sign ni Marcos.

Ang L sign ni Robredo ay naglalaman ng puro galit, poot at pananakit sa kapwa.

Samantalang ang Victory sign na siyang simbolo sa political campaign ni Marcos ay senyales ng tagumpay at kapayapaan.

“Kaya nga V kasi victory at ang tagalog ng victory ay tagumpay,” ani Matienza. “Kaya puro paninira rin ang ginagawa nina Robredo kasi punung-puno ng nega ang Laban sign,” dagdag pa nito sa kanyang FB page.

Sinabi ni Ricky Simbulan ng Bauan, Batangas, ang V sign ni Marcos ay simbolo rin ng kapayapaan.

“Kahit ang mga pari sa simbahan ay gumagamit ng V sign kasi simbolo yun ng kapayapaan,” sabi ni Simbulan.

Para sa kaalaman ng lahat, ang V sign ay naunang ginamit sa pulitika ng yumaong ama ni BBM na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.

Ito ang political campaign sign ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) na ginagamit na rin ngayon ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) – opisyal na partido ngayon ng nangungunang presidential candidate.

Ang L sign naman ay pinasikat ng kampon ng dilawan mula nang mapatay si dating Senador Ninoy Aquino, hanggang magkaroon ng Edsa People Power 1 na nagluklok sa kapangyarihan sa misis nitong si dating Pangulong Cory Aquino.

Nang mamatay si Cory, ito na rin ang ginamit na campaign sign ng anak niyang si Noynoy Aquino taong 2010.

Sina Ninoy, Cory at Noynoy ay pawang patay na ngayon subalit marami pa rin silang bulag na tagasunod at mapang-away na mga lider.

Ngayong kampanya ni Leni, binago lamang nito ang ‘political color’ ng mga Aquino dahil mula sa dilawan ay pink na sila ngayon, ngunit ang lahat ng mga taong tumutulong sa kanya ay mga original na kapanalig ng mga Aquino.

Gamit pa rin nito ang Laban sign dahil sa nag-uumpisa ang pangalan ni Leni sa letrang L bukod pa sa katotohanang mula’t -mula L sign na ang kanilang simbolo mula noong 1986, 2010 hanggang ngayong 2022.

Tulad ng sinabi ng isang sociology professor na ayaw magpabanggit ng pangalan, walang buting idudulot ang L sign ni Robredo dahil sa bansang Amerika, senyales ito ng losers, habang dito sa atin sa bansa ay senyales na ito ngayon ng kamalasan, kabiguan at pagkatalo tiyak sa darating na halalan.

Samantalang ang V sign ni Marcos ay positibong may kahulugan na tagumpay at kapayapaan.

“Subukan n’yo pong lahat na mag-V sign ang ating kanan at kaliwang kamay? Hindi ba pareho silang may number 2 o numero dos? At ang kahulugan ng dalawang numero dos na iyan ay 2022,” sabi ni Roger Ramos ng Bagumbong, Caloocan City.

“Kaya asahan n’yo nang matatambakan ng boto si Robredo dahil kahit sa simbolo negative agad ang dating ng Laban sign kaya huwag kayong magtaka kung bakit puro pananakit, paninira at pambibintang ang ginagawa ng kampo ni Robredo kasi nga isang malaking nega ang Laban sign,” sabi naman ni Maycel Pambid ng Malolos, Bulacan.