Journal News Online : BBM todo arangkada!

14 February 2022

By Ryan Ponce Pacpaco | Journal News Online

Laylo Mega-Survey:

Leni kumain ng alikabok, BBM camp: Di sinungaling mga numero

PATULOY na umaarangkada ang nakukuhang resulta ng tambalang BBM-Sara UniTeam sa pinakabagong report ng prestiyosong survey firm na Laylo Research and Strategies.

Sa pinakabagong Laylo survey ay sumibad pa ang numero ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. matapos makakuha ng 64 porsyento, malayong hindi hamak mula sa nakuhang 16 porsyento ni Leni Robredo; anim na porsyento nina Isko Moreno at Manny Pacquiao at tatlong porsyento naman ni Ping Lacson.

Ang ‘remarkable’ sa resultang ito ay ang four percent na ‘undecided,’ dahil kahit idagdag pa ito sa 16 porsyento ni Robredo, consistent at hindi pa rin matitinag ang 64 porsyento ni Marcos.

“Kapag naka-20 percent si Leni, suwerte nang matatawag iyon dahil hindi tayo sigurado kung iyong natitirang four percent ay buo niyang makukuha? Paano kung paghatian pa iyon nina Ping, Isko at Pacman?” anang isang political analyst.

Ang running-mate ni Marcos na si vice-presidential candidate Inday Sara Duterte (Lakas-CMD) ay matatag din sa nakuhang 60 porsyento.

Malayong hindi hamak din sa ka-tandem ni Leni na si Kiko Pangilinan na may siyam na porsyento lang.

Malaking distansya rin ang lamang ni Duterte sa pumapangalawa sa kanyang si Tito Sotto na mayroong 19 porsyento; si Willie Ong ay may limang porsyento at Lito Atienza ay mayroong isang porsyento.

Tulad ng pagtaya sa presidential race, apat na porsyento din ang naitalang ‘undecided votes,’ base pa rin sa nakalap na datos ng Laylo.

Isinagawa ang survey noong Enero 10-26 mula sa 80 probinsiya o kabuuang 3,090 na mga barangay.

Ang sample size nito ay umabot sa 15,450 na may margin of error na negative/positive 0.8%.

Mula sa kabuuang 17 na mga rehiyon sa bansa, 16 na rehiyon dito ay malayo ang lamang ni Marcos kay Robredo.

Lahat din sa 16 na rehiyon na angat si Marcos ay nakakakuha ito ng mahigit sa 50 porsyento na kabuuang score mula sa mga nakalap na kabuuang bilang ng mga respondents.

Sa National Capital Region (NCR) ay may 65 porsyento si Marcos, samantalang si Leni aymay 11 porsyento. Lamang pa kay Leni si Moreno na may 13 porsyento; tatlong porsyento naman si Lacson; dalawang porsyento si Pacquiao at anim na porsyento ang undecided.

Sa Cagayan Valley o Region 2, ang nakuha ni Marcos ay 90 porsyento; tatlong porsyento lamang si Robredo at tig-isang porsyento naman sina Lacson, Moreno at Pacquiao – lumalabas na mataas pa sa kanila ang tatlong porsyento na ‘undecided.’

Una rito, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff at tagapagsalita ni Marcos na “kinumpirma ng pinakabagong resulta ng Pulse Asia kung saan si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay nakakuha ng 60% pre-election voters preference score ang matagal na nating alam — na malayong una na ang UniTeam standard-bearer kung saan napakalaki na ng puwang niya sa ibang presidentiables.”

‘HINDI NAGSISINUNGALING MGA NUMERO’

Ito ay matapos muling namayagpag ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte sa survey ng Pulse Asia noong Enero.

Nakakuha si Marcos ng 60% malayo sa pumapangalawa na si Vice President Leni Robredo na mayroon lamang 16%.

Idiniin ni Rodriguez na pinatibay ng Pulse Asia Pulso ng Bayan Pre-electoral Survey ang resulta ng ibang survey firms, kung saan ang pinakahuli ay ang Laylo Research mega polls kung saan nakakuha si Marcos ng 64% voters’ preference rating.

Sinabi pa ng Marcos spokesman na pareho rin ang resulta ng ibang survey firms tulad ng Tangere, Social Weather Station, OCTA Research Tugon ng Masa surveys, Publicus, Issues at Advocacies Center, pati ng iba pa.

“Even the informal DZRH, RMN and nationwide Kalye Surveys, bring forward similar data, underscoring the very positive reception of the populace towards Marcos’ candidacy for president.

Numbers don’t lie, and it is really humbling to know that our message for national unity is resonating among the overwhelming majority of the Filipino people. Indeed, we are gladdened to know that Filipinos are now ready to unite as a people, a signal that the Philippines is geared to claim her greatness, once again,” ani Rodriguez.

PATULOY na umaarangkada ang nakukuhang resulta ng tambalang BBM-Sara UniTeam sa pinakabagong report ng prestiyosong survey firm na Laylo Research and Strategies.

Sa pinakabagong Laylo survey ay sumibad pa ang numero ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. matapos makakuha ng 64 porsyento, malayong hindi hamak mula sa nakuhang 16 porsyento ni Leni Robredo; anim na porsyento nina Isko Moreno at Manny Pacquiao at tatlong porsyento naman ni Ping Lacson.

Ang ‘remarkable’ sa resultang ito ay ang four percent na ‘undecided,’ dahil kahit idagdag pa ito sa 16 porsyento ni Robredo, consistent at hindi pa rin matitinag ang 64 porsyento ni Marcos.

“Kapag naka-20 percent si Leni, suwerte nang matatawag iyon dahil hindi tayo sigurado kung iyong natitirang four percent ay buo niyang makukuha? Paano kung paghatian pa iyon nina Ping, Isko at Pacman?” anang isang political analyst.

Ang running-mate ni Marcos na si vice-presidential candidate Inday Sara Duterte (Lakas-CMD) ay matatag din sa nakuhang 60 porsyento.

Malayong hindi hamak din sa ka-tandem ni Leni na si Kiko Pangilinan na may siyam na porsyento lang.

Malaking distansya rin ang lamang ni Duterte sa pumapangalawa sa kanyang si Tito Sotto na mayroong 19 porsyento; si Willie Ong ay may limang porsyento at Lito Atienza ay mayroong isang porsyento.

Tulad ng pagtaya sa presidential race, apat na porsyento din ang naitalang ‘undecided votes,’ base pa rin sa nakalap na datos ng Laylo.

Isinagawa ang survey noong Enero 10-26 mula sa 80 probinsiya o kabuuang 3,090 na mga barangay.

Ang sample size nito ay umabot sa 15,450 na may margin of error na negative/positive 0.8%.

Mula sa kabuuang 17 na mga rehiyon sa bansa, 16 na rehiyon dito ay malayo ang lamang ni Marcos kay Robredo.

Lahat din sa 16 na rehiyon na angat si Marcos ay nakakakuha ito ng mahigit sa 50 porsyento na kabuuang score mula sa mga nakalap na kabuuang bilang ng mga respondents.

Sa National Capital Region ay may 65 porsyento si Marcos, samantalang si Leni ay may 11 porsyento. Lamang pa kay Leni si Moreno na may 13 porsyento; tatlong porsyento naman si Lacson; dalawang porsyento si Pacquiao at anim na porsyento ang undecided.