Join the campaign (Learn More)

Journal News Online : BBM supporter nag-donate ng bigas kay Marcos, sa PNP para sa Odette victims

News & Interviews
28 December 2021

By Jonjon Reyes | Journal News Online

NAG-DONATE si Roland Lim, philanthropist at supporter ni presidential aspirant at former Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ng mahigit 430 sakong bigas sa Philippine National Police (PNP) sa Camp Aguinaldo, Crame Quezon City noong December 24 bilang Pamaskong Handog sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Bilang pasasalamat, pinarangalan si Lim ng Plaque of Recognition ng PNP.

Pinangunahan ni PLt. Gen, Joselito M. Vera Cruz, Deputy Chief for Administration, bilang kahalili ni PNP Chief PGen. Dionardo B. Carlos, Chief, PNP, kasama sina Lt. Gen, Israel Ephraim T. Dickson, Deputy Chief for Operations, PM Gen. Rhodel O. Sermonia, Chief of Directorial Staff, PBGen. Eric Noble at Police Maj. Gen. Bartolome Bustamante, ang pagtanggap ng donation.

Kamakailan ay nagpadala din ng libong bottled water ang anak ni Lim sa headquarters ni Marcos sa Mandaluyong para sa mga Odette victims.