HUNDREDS OF THOUSAND JOIN UNITEAM CARAVAN, RALLY IN MUNTINLUPA AND LAS PIÑAS; 12-KILOMETER ROAD FILLED WITH SUPPORTERS

14 March 2022

The people of Muntinlupa and Las Piñas City showed their unwavering support for presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos and vice presidential candidate Inday Sara Duterte when they held a caravan and rally in the two cities.

From Daang-Hari Road in Muntinlupa City until the end of the caravan in Las Pinas, supporters of BBM-Sara UniTeam filled the entire 12 kilometer road, the crowds excited to see and express their unity with the Marcos and Duterte tandem.

When Marcos together with Sec. Mark Villar aboard a vehicle drove down the road, they were hailed by a crowd of people. They marched with their tarpaulins, holding placards that said, "BBM is my president, sigurado na ang panalo natin."  Someone else exclaimed, "Tao kami hindi sibuyas!”

The cheering and chanting of the crowd crescendoing, "BBM” and “Bongbong-Sara.”

The LGBTQ+ members were touched when the former senator waved the rainbow-colored fabric representing the group.

According to the group, they admire the Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer, and many of them wholeheartedly support his campaign.

"Mr. President (Bongbong) marami sa amin na miyembro ng LGBTQ+ ang humahanga sa ‘yo at handang sumuporta sa kampanya mo!" the group shouted.

Even the personnel of Las Piñas Doctors Hospital likewise joined the chorus of cheer, emerged from their facility, wearing their uniform and several even in PPE approached Marcos' vehicle to shake hands, same when the caravan traversed in-front of A. Zarate General Hospital.

As the caravan approached Naga Road in Las Piñas City, the movement of the vehicles slowed even more owing to the density of people blocking and greeting Marcos, the four lanes of the road were jampacked with BBM-Sara UniTeam supporters.

Some supporters even dressed up as superheroes, while a group of young men holding loud speakers and microphones accompanied the caravan, yelling "Marcos" and "Duterte."

The thickness of the crowds did not decrease from beginning to the end of the caravan.

The caravan arrived at The Tent in Las Piñas, owned by the Villar family, where the UniTeam grand rally was held. Mark Villar expressed his gratitude to the people of Las Piñas, who left their homes just to see Marcos.

"Grabe kayo Las Piñas, grabe ‘yung pagmamahal niyo sa UniTeam, grabe ‘yung suportang ipinakita niyo sa ating susunod na presidente (Bongbong), halos lahat ay lumabas sa kanilang bahay para makamayan at makita ang ating president," Villar said.

In their separate speeches, Marcos and Duterte acknowledged the Las Piñeros for their warm welcome to the BBM-Sara UniTeam.

"Ibang klase ang suportang sinalubong niyo sa amin, kanina habang nagka-caravan kami ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ninyo, halos ‘di na kami makagalaw ‘yung sinasakyan namin dahil sobrang dami ng tao, kaya maraming salamat sa inyong mainit na pagsalubong," said Marcos.

"Maraming salamat po sa inyong mainit na pagsalubong, pasalamatan din natin ang pamilyang Aguilar at Villar dahil sa pagtanggap nila sa BBM-Sara UniTeam," said Duterte.

According to the report of the Philippine National Police (PNP) in Las Piñas, the total number of people who came out of their respective homes and expressed their support along the entire 12-kilometer stretch of road from Muntinlupa to Las Piñas, including those who participated in the caravan, and those who attended the grand rally at The Tent of BBM-Sara UniTeam was estimated to be five hundred thousand (500,000).

However, a staff member of Mark Villar who was present in the caravan said there may be more than 500,000 people who joined the caravan and rally.

She indicated that with a 12-kilometer-long road full of people on both sides, with a conservative 20 layers of people (but in fact there were more) on each side, computed at one person per meter, there would already be 480,000 people, and including the thousands of supporters who went to The Tent, the grand total number of those who sacrificed and paid tribute and support to the BBM-Sara UniTeam in the two cities, may likely exceed 500,000.

-30-

Caption: Photos show throngs of BBM-Sara UniTeam supporters joining the hundreds of thousand of people on the 12-kilometer stretch from Muntinlupa City to Las Pinas City in welcoming and cheering for presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos and vice presidential candidate Inday Sara Duterte during the UniTeam caravan which culminated in a grand rally at The Tent.

FILIPINO VERSION

DAAN-DAANG LIBO KATAO DUMAGSA SA UNITEAM CARAVAN, RALLY SA MUNTINLUPA AT LAS PIÑAS CITY; 12 KILOMETRONG KALSADA PUNONG-PUNO NG MGA SUPPORTERS

WALANG patid ang ipinakitang pagmahahal ng mga taga-Muntinlupa City at Las Piñas City kay presidential candidate Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. at kay vice presidential candidate Mayor Inday Sara Duterte nang magsagawa ito ng caravan at rally sa dalawang lungsod.

Mula sa Daang-Hari Road sa Muntinlupa City hindi bumitaw ang mga supporters ng BBM-Sara UniTeam, maaga pa lang ay inaabangan na nila ang tambalang Marcos at Duterte.

Nang umarangkada ang sinasakyan ni Marcos kasama si Sec. Mark Villar agad na bumungad sa kanila ang nagkukumpulang mga tao, dala ang kanilang tarpaulin at gawang mga karatula na may nakasulat na mga "BBM is my president, sigurado na ang panalo natin," may nagpatutsada din na "Tao kami hindi sibuyas!”

Hindi din mapigilan ang hiyawan at sigawan ng mga supporters na nagbibigay sigla sa caravan, "BBM” at “Bongbong-Sara" ang mga salitang namayani sa kabuuan ng caravan.

Napahanga naman ang mga miyembro ng LGBTQ+ ng kinuha ng dating senador ang kulay bahagharing tela na sumisimbolo sa kanilang organisasyon at winagayway habang umaandar ang kanyang sinasakyan.

Ayon sa grupo, hinahangaan nila ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at marami sa kanila ay buong pusong sumusuporta sa kanyang kandidatura.

"Mr. President (Bongbong) marami sa amin na miyembro ng LGBTQ+ ang humahanga sa ‘yo at handang sumuporta sa kampanya mo!" sigaw ng grupo.

Maging ang mga staff ng Las Piñas Doctors Hospital ay lumabas din sa kanilang pasilidad, sumabay din sa hiyawan habang suot ang kanilang uniporme at ang ilan ay naka-PPE na lumapit sa sasakyan ni Marcos upang makipagkamay, ganoon din ang naging eksena sa A. Zarate General Hospital.

Pagpasok sa Naga Road, Las Piñas City mas lalong bumagal ang takbo ng caravan dahil sa kapal ng bilang ng taong humaharang at sumasalubong kay Marcos, ang apat na linya ng kalsada ay punong-puno ng supporters ng BBM-Sara UniTeam.

Ilang taga-hanga din ang nagsuot ng mga superhero costume, may grupo ng mga kalalakihan naman na may bitbit na malaking speaker at mikropono na sumasabay sa caravan habang isinisigaw ang pangalang “Marcos” at “Duterte.”

Hindi nabawasan ang kapal ng tao mula sa simula hanggang sa dulo ng caravan.

Natapos ang caravan sa The Tent, Las Piñas kung saan ginanap ang rally ng UniTeam na pagmamay-ari ng pamilyang Villar, sinabi ni Mark Villar na sobra ang suportang pinakita ng mga taga-Las Piñas na halos ay lumabas sa kanilang bahay para makita lamang si Marcos.

"Grabe kayo Las Piñas, grabe ‘yung pagmamahal niyo sa UniTeam, grabe ‘yung suportang ipinakita niyo sa ating susunod na presidente (Bongbong), halos lahat ay lumabas sa kanilang bahay para makamayan at makita ang ating president," ayon kay Villar.

Sa kani-kanilang talumpati, nagpasalamat naman ang tambalang Marcos at Duterte sa mga Las Piñeros dahil sa mainit na pagtanggap nila sa BBM-Sara UniTeam.

"Ibang klase ang suportang sinalubong niyo sa amin, kanina habang nagka-caravan kami ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ninyo, halos ‘di na kami makagalaw ‘yung sinasakyan namin dahil sobrang dami ng tao, kaya maraming salamat sa inyong mainit na pagsalubong," sabi ni Marcos.

"Maraming salamat po sa inyong mainit na pagsalubong, pasalamatan din natin ang pamilyang Aguilar at Villar dahil sa pagtanggap nila sa BBM-Sara UniTeam," sabi naman ni Duterte.

Sa kabuuan ay naging matagumpay ang nasabing programa na batay naman sa ulat ng Philippine National Police (PNP) sa Las Pinas ay tinatayang limang-daang libo (500,000) kapag pinagsama ang mga lumabas ng kani-kanilang mga tahanan at nagbigay suporta sa kahabaan ng 12 kilometro mula Muntinlupa hanggang Las Pinas, mga mismong lumahok sa caravan at nagsipagdalo sa grand rally sa The Tent ng BBM-Sara UniTeam.

Ngunit sinabi ng isang staff ni Sec. Villar na malamang na higit pa sa 500,000 ang mga tao sa caravan hanggang sa mismong grand rally. Aniya sa 12 kilometro na haba ng kalsada na punong-puno ng mga tao ang magkabilang parte, sa 20 layer na lamang ng mga tao (pero sa katotohanan ay higit pa) kada magkabilang side ay nasa 480,000 na mga tao na, at kung isasama pa ang libo-libong mga nagtungo sa The Tent ay malamang na higit pa sa 500,000 ang kabuuang bilang ng mga nagsakripisyo at nagbigay pugay at suporta sa BBM-Sara UniTeam sa dalawang siyudad.

-30-