Gov.Petilla sees BBM snaring 70 to 80% of votes in Leyte

10 April 2022

GOVERNOR Leopoldo Dominico Petilla on Saturday predicted that Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. will win in Leyte, garnering 70 to 80 percent of the votes in his province.

Petilla, who already endorsed Marcos earlier, disclosed that for the past few weeks they have been going to the grassroots, meeting with barangay officials of the different municipalities and cities to solicit more votes for him.

“We have already endorsed BBM. This is just a rally to reiterate our support. Unang-una, galing siyang Leyte. Regionalistic tayo at talagang kinakampihan namin ang taga-rito. Endorsing him is not just my decision, lahat kami rito sinusuportahan namin siya,” he said on the sideskirts of a rally they organized for the UniTeam in Baybay, Leyte.

“Nagpagawa ako ng survey dito at 70 to 80 percent ng mga botante ang sumusuporta kay BBM. Pero ‘yung natitirang 30 o 20 percent, hindi ibig sabihin mapupunta lahat sa isa lang sa mga ibang kandidato. Mahahati-hati pa ‘yun,” the governor added.

Petilla also reminded the supporters that it was not enough to show their support by convincing others to support Marcos too, adding that it is more important to go out and vote for Marcos on May 9.

“Maganda na nandito kayo para ipakita ang inyong suporta kahit umuulan. Maganda rin na nangungumbinsi pa kayo ng mga kamag-anak at kaibigan niyo na suportahan si BBM. Pero ang mas importante ay ‘yung pagdating ng May 9, kahit umuulan din, ay lumabas kayo para iboto niyo siya,” he said.

The different local government officials of Leyte, from the First District up to the Fifth District also endorsed Marcos during a meet and greet with incumbent and aspirants for governor, vice governor, mayor, vice-mayor, councilors under the PDP-Laban Party with former Governor and Energy Secretary Carlos Jericho ‘Icot’ Petilla as the gubernatorial bet.

The meeting was also attended by the ABC presidents from the different cities and municipalities.

Comebacking San Miguel, Leyte Mayor Chekay Esperas, a two-term mayor and one-term councilor, reiterated the incumbent governor’s statement, saying that they are supporting Marcos, whose mother is from Tacloban, because he is also from the province.

“Taga-Leyte kasi siya. Regionalistic kasi kami. At si First Lady Imelda Marcos, maraming siyang nagawa dito sa Leyte. Mananalo talaga sila dito,” she said.

Meanwhile, Baybay Mayor Jose Carlos “Boeing” L. Cari said they are joining Marcos and his running mate Inday Sara Duterte in promoting their advocacy of unity.

“Maligayang pagdating, Ginoong Pangulo. Kami po ay nakiki-isa sa layuning ninyong pagkakaisa,” he said.

For his part, Marcos expressed his elation and gratitude for the strong support shown by the huge throng who filled the Baybay Convention Center complex. Majority of them have been standing under the rain since early morning, waiting for the rally which was set at 10:30 am.

“Kumaway kayo para makita ng buong Pilipinas na dito sa Leyte po, walang umaalis kahit umuulan,” the presidential frontrunner told the crowd after spotting a drone flying overhead.

“Hindi ko na kailangang ipaliwanag dito ang pagkakaisa. Tumingin lang kayo sa likuran ko. Ang ating mga local officials, kahit nasa magkabilang panig, nandito sila. Nagkaisa na ang Leyte. Nagkaisa na sa likod ng tambalang Marcos – Duterte,” he added.

Other officials such as Congresswoman Lolita Javier, former Cong. Sandy Javier, and Vice Governor Carlo Loreto, among others, also attended the rally.

 -30-

FILIPINO VERSION

Gov. Petilla: 80% ng boto sa Leyte tiyak na makukuha ni  BBM

NANINIWALA si Governor Leopoldo Dominico Petilla na mananalo sa Leyte si Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr dahil tiyak na makakakuha ito ng 70 hanggang 80 porsyento ng boto mula sa kanyang lalawigan.

Ibinahagi ni Petilla na ilang linggo na silang nakikipagkita sa mga residente at mga barangay officials sa iba’t- ibang bayan at siyudad upang ipakilala si Marcos.

“We have already endorsed BBM. This is just a rally to reiterate our support. Unang-una, galing siyang Leyte. Regionalistic tayo at talagang kinakampihan namin ang taga-rito. Endorsing him is not just my decision, lahat kami rito sinusuportahan namin siya,” sabi niya sa ginanap na rally ng UniTeam sa Baybay, Leyte.

“Nagpagawa ako ng survey dito at 70 to 80 percent ng mga botante ang sumusuporta kay BBM. Pero ‘yung natitirang 30 o 20 percent, hindi ibig sabihin mapupunta lahat sa isa lang sa mga ibang kandidato. Mahahati-hati pa ‘yun,” dagdag ng gobernador.

Pinaalalahan din ni Petilla ang mga taga-suporta ng UniTeam maliban sa pagpapakita ng kanilang suporta kay Marcos ay dapat ipakilala din nila siya sa iba upang mas dumami pa ang susuporta sa kanya.

Aniya ang pinaka-importante sa lahat at ang pagpunta nila sa mga voting poll upang maiboto si Marcos sa May 9.

“Maganda na nandito kayo para ipakita ang inyong suporta kahit umuulan. Maganda rin na nangungumbinsi pa kayo ng mga kamag-anak at kaibigan niyo na suportahan si BBM. Pero ang mas importante ay ‘yung pagdating ng May 9, kahit umuulan din, ay lumabas kayo para iboto niyo siya,” sabi ni Petilla.

Ang iba’t-ibang local government officials sa Leyte, mula sa First District hanggang Fifth District ay inendorso na si Marcos sa ginanap meet at greet sa mga incumbent at aspirants para sa iba’t-ibang position sa ilalim ng PDP-Laban Party kung saan si Governor at Energy Secretary Carlos Jericho ‘Icot’ Petilla ang gubernatorial bet.

Dumalo din sa pagpupulong ang ABC presidents mula sa iba’t-ibang munisipalidad at siyudad.

Inihayag din ni San Miguel, Leyte Mayor Chekay Esperas, isang two-term mayor at one-term councilor, ang sinabi ni incumbent governor na kanilang sinusuportahan si Marcos dahil siya ay nanggagaling din sa kanilang lalawigan.

Ang ina ni Marcos na si Imelda Marcos ay tubong-Tacloban.

“Taga-Leyte kasi siya. Regionalistic kasi kami. At si First Lady Imelda Marcos, marami siyang nagawa dito sa Leyte. Mananalo talaga sila dito,” sabi ni Esperas.

Para naman kay Baybay Mayor Jose Carlos “Boeing” L. Cari, buo ang suporta nila para kay Marcos at kanyang running mate na si Inday Sara Duterte dahil sa adhikain nila ng pagkakaisa.

“Maligayang pagdating, Ginoong Pangulo. Kami po ay nakiki-isa sa layuning ninyong pagkakaisa,” sabi ni Cari.

Nagpasalamat naman si Marcos sa napakalakas na suporta ng mga taga- Baybay matapos mapuno ang Baybay Convention Center complex. Karamihan sa kanila at nag-abang sa labas kahit na maulan makasama lamang sa rally.

“Kumaway kayo para makita ng buong Pilipinas na dito sa Leyte po, walang umaalis kahit umuulan,” sabi ni Marcos nang mapansin niya ang lumilipad na drone.

“Hindi ko na kailangang ipaliwanag dito ang pagkakaisa. Tumingin lang kayo sa likuran ko. Ang ating mga local officials, kahit nasa magkabilang panig, nandito sila. Nagkaisa na ang Leyte. Nagkaisa na sa likod ng tambalang Marcos – Duterte,” dagdag niya.

Dumalo rin sa rally si Congresswoman Lolita Javier, former Cong. Sandy Javier, at Vice Governor Carlo Loreto.

-30-