Gov Dimaporo: Lanao del Norte is 101% for BBM

26 April 2022

GOVERNOR Imelda ‘Angging’ Quibranza Dimaporo has assured presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. that the people of Lanao del Norte will deliver their full 101% support for his candidacy this coming May 9 elections.

“Lanao del Norte is really for BBM. Even our local political opponents are also supporting (him). I told BBM I’m so happy in Lanao del Norte because even our political opponents are supporting you and Mayor Sara,” Dimaporo said.

In an interview, Dimaporo shared how the people of Lanao del Norte have supported their leadership in the province that started with their father Ali, who was governor for 38 years.

Ali was staunch supporter of BBM's father, former President Ferdinand E. Marcos, who worked hard to establish peaceful relationship between Muslims and Christians in the region by initiating various reforms and programs.

 She said with the trust and confidence her constituents had bestowed on them, they are ready to follow whoever their family will support.

Having the same message and advocacy since she ran for the first time in 1998, Dimaporo also sees the importance behind the UniTeam’s message of unity.

“That’s been my slogan. In my first run, ‘unity for peace and development’. You have to unite your people kasi kapag sobra ang politika sino ang magsa-suffer? Taumbayan ang kawawa,” she said.

“If we are not united we cannot see peace and progress,” she also said.

Dimaporo said she supports Marcos not only because of the relationship between their two families but because of his knowledge and long years of experience in politics.

“In my sorties (I always say) ‘Bakit ko pinili si Bongbong?’ It’s not because magkakilala ang pamilya namin it’s because alam niya ang pangangailangan ng local government units dahil naging bise gobernardor siya, naging gobernador siya, alam niya kung anong needs ng munisipiyo especially the barangays,” she said.

“And then naging congressman siya, naging senador siya, madaming siyang nagawang batas na beneficial sa taumbayan,” she added.

Despite many criticisms and allegations against Marcos, the provincial governor is firm with her support as she confidently said that she doesn’t believe any of it .

Dimaporo hopes that Marcos can address and improve their needs in agriculture, education and build more hospitals in their province after he is elected as president.

Marcos is expected to visit Lanao del Norte today, April 26, as part of his campaign rally in bringing the message of unity across the country.

-30-

FILIPINO VERSION

Gov Dimaporo: 101% ang solidong suporta ng Lanao del Norte kay BBM

SINIGURO ni Governor Imelda ‘Angging’ Quibranza Dimaporo kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na 101% suporta ang ibibigay ng mga taga- Lanao del Norte para sa kanyang kandidatura sa darating na halalan.

“Lanao del Norte is really for BBM. Even our local political opponents are also supporting (him). I told BBM I’m so happy in Lanao del Norte because even our political opponents are supporting you and Mayor Sara,” sabi ni Dimaporo.

Sa panayam kay Dimaporo, ibinahagi niya kung paano sinuportahan ng mga taga- Lanao del Norte ang kanilang pamumuno na nagsimula sa kanyang ama na si Ali, na gobernador ng lalawigan sa loob ng 38  taon.

Ang dating gobernador ay kilalang taga-suporta ng ama ni BBM na si dating President Ferdinand E. Marcos, na siyang nanguna upang magkaroon ng payapang ugnayan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa rehiyon dahil sa kanyang mga ginawang reporma at programa.

Ayon kay Dimaporo, ang tiwala at paniniwala ng kanilang mga mamayan sa kanilang angkan ang dahilan kung bakit handa ang mga residente na suportahan ang kanilang dadalhing kandidato.

Bitbit ang parehong mensahe at adbokasiya  simula ng tumakbo siya noong 1998, nakikita ni Dimaporo ang kahalagahan ng mensaheng pagkakaisa ng UniTeam.

“That’s been my slogan. In my first run, ‘unity for peace and development’. You have to unite your people kasi kapag sobra ang politika sino ang magsa-suffer? Taumbayan ang kawawa,” sabi niya.

“If we are not united we cannot see peace and progress,” sabi pa niya.

Ayon kay Dimaporo sinusuportahan niya si Marcos hindi lang dahil sa magandang relasyon ng kanilang mga pamilya kundi dahil sa kanyang kaalaman at matagal na pagseserbisyo publiko.

“In my sorties (I always say) ‘Bakit ko pinili si Bongbong?’ It’s not because magkakilala ang pamilya namin it’s because alam niya ang pangangailangan ng local government units dahil naging bise gobernardor siya, naging gobernador siya, alam niya kung anong needs ng munisipiyo especially the barangays,” sabi niya.

“And then naging congressman siya, naging senador siya, madaming siyang nagawang batas na beneficial sa taumbayan,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng mga paninira at alegasyon laban kay Marcos, matatag ang suporta ng gobernador at hindi aniya siya naniniwala sa mga ito.

Hangad ni Dimaporo na matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa agrikultura, edukasiyon at makapagpatayo pa ng maraming hospital sa kanilang lalawigan kapag nanalo si Marcos.

Nakatakdang bumisita si Marcos sa Lanao del Norte ngayong araw, April 26, bilang parte ng kanyang pangangampanya upang madala ang mensahe ng pagkakaisa sa buong bansa.

-30-