<strong>Gov. Bernos: Abra by heart is for BBM- Sara UniTeam</strong>

9 March 2022

Abra Governor Ma. Jocelyn Valero Bernos said their province is in full support for the candidacy of presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr and his running mate vice presidential candidate Inday Sara Duterte this coming May 2022 elections.

She explained that the support comes from the UniTeam’s call for unity which Bernos described as an essential tool for good governance.

“First, maganda yung call for unity kasi yun ang importante for governance. Hindi makaka-act( kahit sino effectively)  as a leader kung walang unity,” she said.

“‘Yun ang the best reason why kami dito sa Abra- actually wala na kaming effort for BBM automatic yan kasi Ilocano country ‘to so automatic kami by heart BBM na kami. Totoo yung solid north” she added.

Bernos said she and her 27 town mayors have already expressed their support for the UniTeam.

“Lahat ng mayors namin for BBM- Sara lahat so pwede kong sabihin na yung suporta namin kay BBM ganun din ang support kay Mayor Inday,” she said.

Bernos said they were grateful for both Bongbong and Sara and even before they became a tandem, Bon the teo have been helping their province already especially during times of disasters and calamities.

She said even during the time Bongbong was not involved in politics, he was always ready to help Abra, and while Sara was from far away Davao, the mayor was also always prepared to send assistance to them.

Bernos said with the North and South tandem, it is an assurance that no one will be left behind under the UniTeam leadership.

“It will be a first tandem na yung South and North magka-tie up which is a good precedent sa lahat kasi magiging equal yung distribution ng programs, ng projects, hindi lang sasabihin ng taga-South na si BBM (taga-) North lang kaya North na naman ang mamamayagpag dyan,” she said.

“Pero dahil ka-tandem si South (Inday Sara), hindi maiiwan ang South sa lahat ng programa ng national government kung si BBM at sure ako na si BBM ang magiging presidente,” she added.

Once elected, Bernos hoped that the UniTeam will push the Dugong Bucay bridge project their province is hoping for their constituents.

“Na-try namin maipasa ngayong administration ‘di lang napondohan. Siguro kapag nagkaron tayo ng chance na maka-request ulit kay BBM kapag presidente na siya, mapapagbigyan tayo dito,” she said.

The governor said they believed that their province will be more progressive with the help of Bongbong, recalling the Don Mariano Marcos bridge that was built during the time of former President Ferdinand Marcos Sr.

“‘Yung Don Mariano Marcos bridge (is) connecting 10 municipalities from Bangued town so malaking tulong yun. From that project palang alam namin na si BBM ang parang magbibigay pa rin sa amin ng progress dito sa Abra,” Bernos said.

-30-

FILIPINO VERSION

 Gov. Bernos: Abra buong suporta sa BBM- Sara UniTeam

Buong suporta ang ibibigay ng probinsiya ng Abra sa kandidatura ni presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr at kanyang running mate na si vice presidential candidate Inday Sara Duterte sa darating na halalan.

Ayon kay Abra Governor Ma. Jocelyn Valero Bernos, ang kanilang suporta ay nagmula sa kanilang paniniwala sa panawagang pagkakaisa ng UniTeam.

“First, maganda yung call for unity kasi yun ang importante for governance. Kasi kahit sino hindi makaka-act as a leader (efficiently)  kung walang unity,” sabi ni Bernos.

“‘Yun ang the best reason why kami dito sa Abra- actually wala na kaming effort for BBM automatic yan kasi Ilocano country ‘to so automatic kami by heart BBM na kami. Totoo ang Solid North,” dagdag pa niya.

Sinabi din ni Bernos na siya at ang 27 town mayors ng Abra ay nagpahayag na ng suporta sa UniTeam.

“Lahat ng mayors namin for BBM- Sara lahat so pwede kong sabihin na yung suporta namin kay BBM ganun din ang support kay Mayor Inday,” wika nito.

Ipinaliwanag niya na noon pa man ay pareho ng tumutulong sa kanilang lalawigan sina Bongbong at Sara bago pa man sila maging isang tambalan.

Idinagdag ni Bernos na laging nakahandang sumaklolo at tumulong sa kanila si Bongbong at Sara sa panahon ng pangangailangan at mga kalamidad.

Sinabi ni Bernos na laging tumutulong sa probinsya ng Abra si Bongbong kahit na hindi na ito isang politiko at maging si Sara ay mula sa Davao, lagi rin itong handang magpadala ng tulong sa kanila.

Sa tambalang North at South, ito aniya ay kasiguraduhan na walang maiiwan sa ilalim ng pamamahala ng UniTeam.

“It will be a first tandem na yung South and North magka-tie up which is a good precedent sa lahat kasi magiging equal yung distribution ng programs, ng projects, hindi lang sasabihin ng taga-South na si BBM (taga-) North lang kaya North na naman ang mamamayagpag dyan,” sabi niya.

“Pero dahil ka-tandem si South (Inday Sara), hindi maiiwan ang South sa lahat ng programa ng national government kung si BBM- at sure ako na si BBM ang magiging presidente,” dagdag pa nito.

Sa oras na manalo, umaasa si Bernos na maitutuloy ng UniTeam ang kanilang Dugong Bucay bridge project.

“Na-try namin maipasa ngayong administration ‘di lang napondohan. Siguro kapag nagkaron tayo ng chance na maka-request ulit kay BBM kapag presidente na siya, mapapagbigyan tayo dito,” sabi niya.

Naniniwala ang gobernadora na mas lalong uunlad ang probinsiya ng Abra sa tulong ni Bongbong gaya ng kung paanong naging malaking tulong sa kanila ang Don Mariano Marcos Bridge na naitayo noong panahon ni dating presidente Ferdinand Marcos Sr.

“‘Yung Don Mariano Marcos Bridge (is) connecting 10 municipalities from Bangued town so malaking tulong yun. From that project palang alam namin na si BBM ang parang magbibigay pa rin sa amin ng progress dito sa Abra,” wika ni Bernos.

-30-