Join the campaign (Learn More)

FILIPINOS SHOULD NOT SUFFER PHILHEALTH'S UNPAID CLAIMS – BONGBONG

Press Releases
15 December 2021

PRESIDENTIAL aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. has urged the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) to make reimbursement claims faster and easier for private hospitals.

He appealed to the government following the announcement of seven private hospitals in Iloilo that they will formally withdraw their accreditation with PhilHealth starting next year.

The Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer affirmed Philhealth's crucial role in this time of the pandemic.  He prodded the state insurer to fast-track its payments.

"Kailangan na kailangan sila ngayon ng mamamayan kaya mahalaga na maayos na nila ang kanilang problema. Higit sa lahat, taumbayan ang apektado kung bumitaw ang mga private hospitals sa PhilHealth. Pabilisin na ang proseso dahil ito naman ay serbisyong publiko," Marcos Jr. said.

He also urged PhilHealth to fulfill its commitment to settling unpaid claims before the year ends.

“Sana mangyari ito dahil napakalaking bagay ang maayos na koordinasyon ng PhilHealth at private hospitals ngayong panahon ng pandemya,” said Marcos Jr.

Dr. Jose Rene De Grano, President of the Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi), said private hospitals from National Capital Region (NCR), Quezon Province, Northern Luzon, and General Santos City had expressed their intention to follow the decision made by the seven Iloilo hospitals.

Since 2019, PHAPi has been in a rift with PhilHealth over unpaid claims, affecting many of its members.  Some allegedly just decided to close down due to bankruptcy, while others downsized, which slowed down their operations.

The state insurer claimed it had already paid some of the PHAPi members. However, PhilHealth said, hospitals have yet to disburse the payment due to the "debit-credit payment method."

Marcos Jr. lamented that Filipinos would be severely affected by the situation as health services would suffer should the withdrawal from PhilHealth's accreditation push through.

Once private hospitals decide to withdraw, patients will have to shoulder 100 percent of their medical fees and follow-up consultations out of pocket.

"Napakahalaga na may matatakbuhan ang mga kababayan nating nangangailan ng tulong, lalo na sa panahon ngayong may pandemiya.  Maaapektuhan ng unpaid claims na ito ang dapat sanang  magandang serbisyo na ibinibigay ng mga pribadong ospital.  Dapat na pag-igihan ng PhilHealth ang kanilang ugnayan sa mga private hospitals. Siguraduhin na sila ay mababayaran na upang hindi maputol at maapektuhan ang mga health care facilities," Marcos Jr. said.

"May ilang ospital na ang nagsara dahil sa pagkalugi at hindi maganda na para maiwasan ang ganitong pangyayari ay mga Pilipino ang mahihirapan. Maraming Pilipino ang umaasa sa tulong na kanilang nakukuha sa PhilHealth. Kapag nag-withdraw ang mga pribadong hospital, tiyak na problema para ating mga kababayan kung saan sila kukuha ng pambayad sa ospital," he added.

Marcos Jr. suggested that the agency create flexible arrangements with private hospitals to ensure Filipinos availing medical care are looked after.

-30-

FILIPINO VERSION

SERBISYO NG PHILHEALTH HINDI DAPAT MAANTALA – BONGBONG

Dapat madaliin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagbabayad ng reimbursement sa mga pinagkakautangang pribadong ospital sa bansa.

Ito ang panawagan ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., matapos na ianunsyo ng pitong ospital sa Iloilo ang kanilang tuluyang pagkalas sa PhilHealth sa susunod na taon.

Ayon sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), napakahalaga ng parteng ginagampanan ng PhilHealth ngayong panahon ng pandemya kaya't hinihimok niya ito na pabilisin ang pagbabayad sa mga pribadong hospital.

"Kailangan na kailangan sila ngayon ng mamamayan kaya mahalaga na maayos na nila ang kanilang problema. Higit sa lahat, taumbayan ang apektado kung bumitaw ang mga private hospitals sa PhilHealth. Pabilisin na ang proseso dahil ito naman ay serbisyong publiko," sabi ni Marcos Jr.

Hinikayat rin niya ang PhilHealth na tuparin ang naunang ipinangako nito na tatapusin ang pagbabayad bago matapos ang taon.

“Sana mangyari ito dahil napakalaking bagay ang maayos na koordinasyon ng PhilHealth at private hospitals ngayong panahon ng pandemya,” sabi ni Marcos.

Ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi), ilang pribadong hospital sa National Capital Region (NCR), Quezon Province, Northern Luzon at General Santos City ang nagpahayag  ng intensiyon na sundan ang ginawang desisyon ng pitong hospital sa Iloilo.

Simula 2019, ang PHAPi at Philhealth ay mayroon nang hindi pagkakaunawaan dahil sa mga unpaid claims na ayon sa grupo ay nakaaapekto na sa kanilang mga miyembro kaya't ang ilan ay nagsara na dahil sa pagkalugi. Ang iba naman ay nagbawas na ng kanilang empleyado na nagiging hadlang sa maayos na operasyon ng ilang hospital.

Naunang sinabi ng PhilHealth na nakabayad na sila sa ilang miyembro ng PHAPi na itinanggi naman ng ilang ospital dahil wala pa umano silang nakukuhang bayad sa pamamagitan ng "debit-credit payment method."

Nababahala si Marcos Jr. na ang mamamayang Pilipino ang lubusang maapektuhan dahil tiyak aniya na mahihirapan ang health services ng bansa kapag natuloy ang pag-alis ng mga pribadong ospital sa PhilHealth.

Kapag nangyari ito, walang ibang sasalo sa gastusin sa ospital kundi ang mga pasyente mismo.

"Napakahalaga na may matatakbuhan ang mga kababayan nating nangangailan ng tulong, lalo na sa panahon ngayong may pandemiya.  Maaapektuhan ng unpaid claims na ito ang dapat sanang  magandang serbisyo na ibinibigay ng mga pribadong ospital.  Dapat na pag-igihan ng PhilHealth ang kanilang ugnayan sa mga private hospitals. Siguraduhin na sila ay mababayaran na upang hindi maputol at maapektuhan ang mga health care facilities," giit pa ni Marcos Jr.

"May ilang ospital na ang nagsara dahil sa pagkalugi at hindi maganda na para maiwasan ang ganitong pangyayari ay mga Pilipino ang mahihirapan. Maraming Pilipino ang umaasa sa tulong na kanilang nakukuha sa PhilHealth. Kapag nag-withdraw ang mga pribadong hospital, tiyak na problema para ating mga kababayan kung saan sila kukuha ng pambayad sa ospital," dagdag pa ni Marcos Jr.

Mungkahi ni Marcos sa PhilHealth ay gumawa na ito ng ‘flexible arrangements’ sa mga pribadong hospital para masiguro na maalagaan ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong medikal.

-30-