El Shaddai’s Bro. Mike says it’s time for the country to unite; endorses BBM-Sara UniTeam

13 February 2022

THE influential Catholic charismatic group, El Shaddai, with more than six million active members worldwide, has formally endorsed presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. and his running-mate vice-presidential bet Inday Sara Duterte for the 2022 national elections.

El Shaddai founder Bro. Mike Velarde made the announcement during their Saturday prayer meeting at Amvel compound in Parañaque City after members shouted: “Brother Mike, the choice is yours!”

The 82-year-old leader and televangelist raised the hand of BBM-Sara UniTeam. A first time according to the members of the El Shaddai.

“First time niya magtaas ng kamay, noon hindi ‘yan nagtataas ng kamay, iniimbitahan lang niya pero ngayon dalawa pang kamay ang itinaas niya in public,” they said.

In an interview with reporters, Velarde said their group chose the BBM- Sara UniTeam because it’s now time for the Filipinos to be united.

“After all, napagbigyan na natin yung mga kalaban ni Marcos baka naman ito may magawang mabuti sa atin that’s why I have chosen them,” he said.

“Open-minded sila (UniTeam). Panahon na para magkaisa tayong Pilipino,” he said.

Velarde said their chapters nationwide and worldwide will show support for the UniTeam.

He clarified that they are not looking forward to anything in return once the tandem is elected, but only ask for the nation’s progress.

“Kailangan masolusyonan nila kaya lang hindi pwedeng gawin ‘yun kung walang suporta ang bayan, kaya kailangan magkaisa tayo na suportahan ang namumuno sa atin,” Velarde said.

For his part, Marcos said the group’s message of love works well with their message of unity.

“We are always very grateful to Brother Mike for all his support and help through the years. Actually this is not the first time. Napakalaki ng utang na loob ko, ng aming grupo, si Inday Sara kay Brother Mike at sa lahat ng kasama ng El Shaddai sa kanyang pag-endorso sa amin,” he said.

“He sends a message of love, and ours is a message of unity. It works very well together,” he added.

In front of the thousands of members of El Shaddai cheering for the UniTeam earlier, Marcos said through love, unity can be achieved.

“Pinapakinggan ko ang leksyon ngayong araw na ito, kasama ninyo, at ang utos sa atin ng Panginoon is love each other. ‘Yan po ang magsisimula sa ating pagkakaisa,” he said.

“Kaya po, sana po, hinihingi ko po ang inyong tulong na ipagpatuloy itong kilusan na ito. Ipagpatuloy natin ang ating pagmamahal sa isa’t-isa, sa ating pagtulong sa isa’t isa hanggang tayo ay magtagumpay hindi lamang sa darating na halalan sa Mayo kung hindi ang tunay na tagumpay ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino,” he said.

Marcos said in unity, Filipinos can overcome all challenges the country will face.

“Nakita na po natin ‘yan sa lahat ng pangyayari sa  kasaysayan ng Pilipinas na ang ating pagkakaisa ay naging dahilan kung paano tayo nakaraos sa lahat ng hamon ng panahon, lahat ng sakuna, lahat ng giyera, lahat ng bagyo, lahat ng lindol, at ngayon itong pandemiya, ngayon itong ekonomiya, mahaharap natin basta tayo ay nagkakaisa,” he said.

“Ito po ang aming layunin, ito ang aming pangarap. Kaya po ay pagkaisahin natin, sundan po natin ang leksyon, ang turo ng ating Maykapal: Love each other and as we love each other, we will come together as one nation. Sa pagkakaisa na iyon, sama-sama tayong babangon muli,” he added.

Meanwhile, Sara told reporters that he is very grateful to El Shaddai’s support for the UniTeam.

“Nagpapasalamat po kami kay Brother Mike Velarde at sa buo pong church ng El Shaddai sa kanilang pagsuporta sa kandidatura ko at ni Apo BBM. Nagkausap po kami and nagsabi po siya na i-endorse niya kami as president and vice president,” she said.

During the event, as a show of gratitude for the warm support they received from the El Shaddai group, Bongbong and Sara performed “Paano Kita Mapapasalamatan” at “Gaano Ko Ikaw Kamahal”.

Aside from the BBM- Sara tandem, UniTeam’s Senator Mark Villar was also present at the event. Velarde said they would endorse 14 senators for their members to decide.

Around a million people also witnessed the event as it was shown live through their online platforms and was heard via the DWXI 1314 radio station.

In 2016, Marcos was also the endorsed vice-presidential candidate of the El Shaddai group.

-30-

 FILIPINO VERSION

BRO MIKE NANAWAGAN NG PAGKAKAISA; BASBAS IBINIGAY SA BBM-SARA UNITEAM

Pormal nang inindorso ng pinamalaking Catholic charismatic group sa bansa na El Shaddai, na may mahigit anim na milyong miyembro sa buong mundo, ang kandidatura ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running -mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte para sa darating na halalan.

Naganap ang pagtataas ng kamay sa pangunguna ni El Shaddai founder Bro. Mike Velarde sa prayer meeting ng grupo nitong Sabado sa Amvel compound, Parañaque City matapos isigaw ng mga dumalo ng misa ang “Brother Mike, the choice is yours!”

Ayon sa mga miyembro, ito ang unang beses na sa publiko mismo nagtaas ng kamay ang kanilang 82-year-old leader at televangelist.

“First time niya magtaas ng kamay. Noon hindi iyan nagtataas ng kamay iniimbitahan lang niya pero ngayon dalawa pang kamay ang itinaas niya in public,” ayon sa mga miyembro.

Sa isang panayam sa mga reporter, sinabi ni Velarde na oras na para magkaisa ang mga Pilipino kaya’t ang BBM-Sara UniTeam ang kanilang napili.

“After all, napagbigyan na natin ‘yung mga kalaban ni Marcos baka naman ito may magawang mabuti sa atin that’s why I have chosen them,” sabi nito.

“Open-minded sila (UniTeam). Panahon na para magkaisa tayong Pilipino,” dagdag pa niya.

Ayon kay Velarde, ang lahat ng kanilang chapters sa labas at loob ng bansa ay susuporta at tutulong sa UniTeam.

Nilinaw din niya na hindi sila umaasa ng kahit anong kapalit sa kanilang pag-endorso kung sakaling mahalal ang UniTeam kundi ang kanilang nais ay ang kaunlaran ng bansa.

“Kailangan masolusyonan nila kaya lang hindi pwedeng gawin ‘yun kung walang suporta ang bayan, kaya kailangan magkaisa tayo na suportahan ang namumuno sa atin,” sabi ni Velarde.

Para kay Marcos, ang mensahe ng pagmamahal na itinuturo ng El Shaddai ay kaakibat ng kanilang mensahe ni Sara ng pagkakaisa.

“We are always very grateful to Brother Mike for all his support and help through the years. Actually this is not the first time. Napakalaki ng utang na loob ko, ng aming grupo, si Inday Sara kay Brother Mike at sa lahat ng kasama ng El Shaddai sa kanyang pag-endorso sa amin,” sabi niya.

“He sends a message of love, and ours is a message of unity. It works very well together,” dagdag ni Marcos.

Sa harap ng libo-libong miyembro ng El Shaddai na masayang naghihiyawan ng makita ang UniTeam, sinabi ni Marcos na sa pamamagitan ng pagmamahalan, makakamit ang pagkakaisa.

“Pinapakinggan ko ang leksyon ngayong araw na ito, kasama ninyo, at ang utos sa atin ng Panginoon is love each other. ‘Yan po ang magsisimula sa ating pagkakaisa,” sabi niya.

“Kaya po, sana po, hinihingi po ang inyong tulong na ipagpatuloy itong kilusan na ito. Ipagpatuloy natin ang ating pagmamahal sa isa’t-isa, sa ating pagtulong sa isa’t-isa hanggang tayo ay magtagumpay hindi lamang sa darating na halalan sa Mayo kung hindi ang tunay na tagumpay ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino,” dagdag niya pa.

Para kay Marcos, pagkakaisa ang instrumento upang malagpasan ng mga Pilipino ang lahat ng hamon na kakaharapin ng bansa.

“Nakita na po natin ‘yan sa lahat ng pangyayari sa  kasaysayan ng Pilipinas na ang ating pagkakaisa ay naging dahilan kung paano tayo nakaraos sa lahat ng hamon ng panahon, lahat ng sakuna, lahat ng giyera, lahat ng bagyo, lahat ng lindol, at ngayon itong pandemya, ngayon itong ekonomiya, mahaharap natin basta tayo ay nagkakaisa,” sabi niya.

“Ito po ang aming layunin, ito ang aming pangarap. Kaya po ay pagkaisahin natin, sundan po natin ang leksyon, ang turo ng ating Maykapal: Love each other and as we love each other, we will come together as one nation. Sa pagkakaisa na iyon, sama-sama tayong babangon muli,” giit pa niya.

Samantala, nagpasalamat naman si Sara sa buong El Shaddai group sa kanilang suporta sa UniTeam.

“Nagpapasalamat po kami kay Brother Mike Velarde at sa buo pong church ng El Shaddai sa kanilang pagsuporta sa kandidatura ko at ni Apo BBM. Nagkausap po kami and nagsabi po siya na i-endorse niya kami as president and vice president,” sabi niya.

Bilang pagpapasalamat sa mainit na pagtanggap ng lahat ng miyembro ng El Shaddai group, kumanta si Bongbong at Sara ng “Paano Kita Mapapasalamatan” at “Gaano Ko Ikaw Kamahal”.

Maliban sa BBM-Sara tandem, inindorso din ng grupo si UniTeam Senator Mark Villar. Ayon kay Velarde, 14 na mga kandidatong pagka-senador ang kanilang i-endorso para pagpilian ng kanilang mga kasamahan.

Milyong tao din ang nakasaksi sa kaganapan dahil ipinakita ito nang live sa pamamagitan ng kanilang mga online platform at napakinggan sa pamamagitan ng kanilang DWXI 1314 radio station.

Noong 2016, si Marcos din ang inindorso na vice-presidential candidate ng El Shaddai group.

-30-