Join the campaign (Learn More)

DZRH F2F SURVEY: 49.2% FOR BBM; LENI, 16.2%; ISKO, 10.4%, MANNY, 8.3%, PING, 4.9%

Press Releases
16 December 2021

Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. continues to dominate after he once again took the lead in the face-to-face election survey conducted by popular radio station DZRH of the Manila Broadcasting Company (MBC).

Marcos Jr. got 49.2% of the votes from the 7,614 respondents in the survey. In far second was Leni Robredo with 16.2%; followed in the third spot by Manila Mayor Isko Moreno with 10.4%.

In the fourth spot was Sen. Manny Pacquiao with 8.2%; Sen. Bong Go with 5.8%; Sen. Ping Lacson with 4.9%; Ret. Gen. Antonio Parlade with 0.5% and Leody de Guzman with 0.3%.

The DZRH also noted that 4.5% of the respondents are undecided.

Nerisa Nunag, MBC research director, said the 'Desisyon 2022' face-to-face election survey was conducted in 17 regions covering Luzon, Visayas and Mindanao on December 11-12.

Nunag believes that the influential Solid North voting bloc still holds sway and is responsible for Marcos Jr.'s big lead against other aspirants, especially in the Cordillera Administrative Region (CAR) and Ilocos region.

Marcos Jr.'s performance in recent surveys also showed that Davao City Mayor Sara Duterte's decision to run as his running-mate helped create a synergistic tandem.

This complementary effect was evident in the wide margin of lead Marcos Jr. registered in the Davao region and Cagayan Valley, according to the DZRH survey.

It is also worth noting that Marcos obtained the lion's share of votes in Mindanao, with 56% choosing him compared to Leni's 13.5%.

Nunag explained that all respondents in their F2F survey were all registered voters and the question they asked was: “Kung ngayon gaganapin ang eleksiyon, sino ang inyong iboboto?”

“Tayo ay nagbigay ng sample ballot. Nandun nakasulat ang mga tumatakbong kandidato….ang mga respondents, sila ang nag-shade ng pipiliing kandidato,” said Nunag.

The BBM-Sara Uniteam is espousing a unifying style of leadership that sees unity as the path to progress and the country's recovery from the COVID-19 pandemic.

Despite the UniTeam's excellent performance in recent surveys and the massive crowds they are drawing in every sortie, both candidates have remained humble and have chosen to stick with positive campaigning.

-30-

FILIPINO VERSION

DZRH F2F SURVEY: 49.2% FOR BBM; LENI, 16.2%; ISKO, 10.4%, MANNY, 8.3%, PING, 4.9%

PATULOY ang pamamayagpag ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., matapos muling manguna ito sa isinagawang face-to-face election survey ng tanyag na istasyon ng radyo na DZRH ng Manila Broadcasting Company (MBC).

Mula sa kabuuang 7,614 respondents, si Marcos Jr. ay nakakuha ng 49.2%; malayong pangalawa si Leni Robredo na may 16.2%; pangatlo si Manila Mayor Isko Moreno sa 10.4%; pang-apat si Sen. Manny Pacquiao na may 8.2%; pang-lima si Sen. Bong Go, 5.8%; pang-anim si Sen. Ping Lacson na may 4.9%; pang-walo si Ret. Gen. Antonio Parlade na may 0.5% at si Leody de Guzman na may 0.3%.

May 4.5% naman ang undecided, ayon sa report ng DZRH.

Sinabi ni Nerisa Nunag, MBC research director, isinagawa ang face to face survey sa 17 rehiyon sa buong bansa noong Disyembre 11-12.

Ang pre-election survey na isinagawa ng mga ‘field workers’ ng DZRH ay tinawag nilang Desisyon 2022.

Naniniwala si Nunag na buhay pa rin ang sinasabing Solid North dahil kapansin-pansin ang malaking lamang ni Marcos Jr. laban sa mga katunggali niya sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos region.

Nakatulong din ng malaki ang pagsabak ni Davao City Mayor Sara Duterte bilang running-mate ni Marcos Jr. dahil nanguna din ang dating senador sa Davao region at Cagayan Valley.

Nabatid na pagdating sa Mindanao, malaki rin ang agwat ni Marcos Jr. na nakakuha ng 56%, samantalang si Leni ay may 13.5%.

Ipinaliwanag ni Nunag na lahat ng respondents sa kanilang F2F survey ay pawang botante at ang ibinigay nilang tanong ay: “Kung ngayon gaganapin ang eleksiyon, sino ang inyong iboboto?”

“Tayo ay nagbigay ng sample ballot. Nandun nakasulat ang mga tumatakbong kandidato….ang mga respondents, sila ang nag-shade ng pipiliing kandidato,” ani Nunag.

-30-