DZAR 1026 - Voting system sa 2022 elections, ibalik sa manual– Bongbong Marcos

News & Interviews
5 February 2021

By Melrose Manuel | DZAR 1026

Gawing manual ang botohan at vote counting ngayong 2022 elections.

Ito ang ipinanukala ni Former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panayam ng sonshine radio.

“Gusto natin yung pag-counting na gawing manual para ang kandidato, ang bawat kandidato at maaring magpadala ng watcher. Makita talaga kagaya niyan, nandyan ang B.I., nandiyan yung mga canvassing, mga teacher binabasa, sasabihin ‘o, para sa senador, si Juan Dela Cruz, o isa. Si Maria, isa. Ayan, para kitang-kita.”

Hirit pa ni Marcos, mas magaling naman ang mga Pinoy IT experts kung kaya’t hindi na kailangan pa ang smartmatic 2022 elections.

Maaari ring i-livestream ang manual counting para maging transparent pero electronic na ang vote transmission para maiwasan ang dagdag-bawas na nangyayari sa canvassing.

“Manual ang voting, manual ang counting, electronic ang transmission para diretso mula sa presinto hanggang sa COMELEC. Yun naman talaga ang dapat mangyari noon pa pero siyempre nilagyan nila ng- kung anu-ano ang ginawa doon sa numero sa gitna, eh kaya tayo nagkakaduda. Actually napatunayan na natin na talagang nagkadayaan.”

Samantala, naniniwala naman si Marcos na para makabalik sa face-to-face campaign, bakuna talaga ang kinakailangan.

“Ako bilang kandidato, ayokong maging super-spreader. Baka mag-organize ako ng rally, maraming pupunta, eh magkasakit lahat, magkahawaan lahat. Eh sa lahat ng ayaw nating mangyari, iyun ang dapat iwasan,” ang pagtatapos ni dating senador Marcos.