Join the campaign (Learn More)

DZAR 1026 : Political experience ni Bongbong Marcos, malaking kalamangan sa 2022 – Mayor Inday

News & Interviews
22 November 2021

By Vhalery Divinagracia | DZAR 1026

Nakakatulong ang political experience ni Bongbong Marcos para manalo ito sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Ito ang naging komento ni vice presidential aspirant Inday Sara Duterte-Carpio.

Kasunod ito sa isinagawagang caravan sa Carmen at Tagum City, Davao Del Norte kahapon, November 21.

Ayon kay Inday Sara, malaking kalamangan ang pagiging gobernador, congressman at senador ni BBM para maisagawa niya ang trabaho bilang pangulo ng Pilipinas.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit pinili nIyang maging runningmate ni Bongbong Marcos sa 2022.