DZAR 1026 : Pag-abuso sa kapangkarihan ng korte at hukuman, tigilan na – BBM camp

15 February 2022

By Melrose Manuel | DZAR 1026

Umapela ang kampo ni dating senador at Presidentiable Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanilang kritiko na tigilan na ang pag-abuso sa kapangkarihan ng korte at hukuman sa bansa.

Ito’y kaugnay sa paghahain ng motion for reconsideration ng Grupong Akbayan para ipa-diskwalipika si Marcos sa pagtakbo nito sa darating na May 2022 Elections.

Nabatid na personal na nagtungo sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) ang Grupong Akbayan sa pangunguna ni dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales para ihain ang naturang petisyon.

Inihayag ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni Bongbong Marcos na malinaw ang naging unanimous decision ng COMELEC first division na silang mga petitoners ang nagsisinungaling.

Dagdag pa ni Rodriguez na sanay matutunan ng mga ito na magbigay respeto sa ating judicial at quasi-judicial bodies sa pamamagitan ng pagsasampa nila ng mga kaso ay pawang kasinungalingan lamang.