DZAR 1026 : Mga petisyon laban kay Bongbong Marcos, maaari nang ibasura ng COMELEC

4 February 2022

By Jun Samson | DZAR 1026

Mababasura na ang mga petisyon na nakabinbin ngayon sa Commission on Elections (COMELEC) para pigilan ang pagtakbong pangulo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Well mukha pong magiging unanimous na yung botohan na ibasura yung DQ petition, bakit? Eh kasi po si Commissioner Inting eh siya rin po yung nagsulat, nag ponensya o siyang nagsulat ng desisyon doon sa DQ case ni Apo Bongbong doon po sa 2nd division.”

Ito ang ipinaliwanag ng law expert at senatorial aspirant na si Atty. Harry Roque.

“So dahil pareha po’ng isyu syempre hindi naman pupwedeng mag-iba ng opinyon si Commissioner Inting no? So inaasahan po natin na pagdating dito sa 1st division dahil unanimous po ang magiging desisyon ay magkakaroon ng majority opinion na walang desenting opinion.”

Diin ni Roque, dahil ibinasura ng 2nd division ang mga petisyon laban kay Marcos kaya asahan na rin aniya na ‘yan din ang magiging pasya ngayon ng 1st division.