Join the campaign (Learn More)

DZAR 1026 : Marcos, nangunguna pa rin sa presidential survey

News & Interviews
10 November 2021

By Arjay Eydan | DZAR 1026

Nagpapatuloy pa ring makakuha ng suporta mula sa mga botante si presidential aspirant at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay sa kabila ng mga atakeng natanggap nito mula sa mga kalaban nito sa politiko ayon sa isa sa mga party officials nito.

Ayon kay PFP Secretary-General Thompson Lantion, sa kabila nang malisyosong pang-aatake ng mga pwersa ng anti-Marcos ay patuloy pa ring nananalo si Marcos sa puso ng mga botante.

Ayon kay Lantion, base sa pinaka huling presidential preference poll na ginawa ng Manila Times, nakita na ang dating mambabatas ay nakakakuha ng 68% share ng survey respondents’ choice.

Ang natitirang boto ay napinta ay Vice-President Leni Robredo na 10.8%, Manila Mayor Isko Moreno na 7.9%, Sen. Manny Pacquiao na may 7.2%, Panfilo Ping Lacson na may 2.5% at Sen. Ronald Bato Dela Rosa na 1.5%.