Join the campaign (Learn More)

DZAR 1026 : Enrile, naniniwala na tapos na ang bisa ng kasalanan ni BBM

News & Interviews
6 December 2021

By Vic Tahud | DZAR 1026

Naniniwala si former Senate President Juan Ponce Enrile na lumipas na at wala ng bisa ang kasalanan ni former senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ani Enrile, maliban lamang kung capital punishment ang ibinigay sa isang nagkasala.

Dagdag pa ni Enrile, kung hindi nagbayad ng tax, ito ay utang sa gobyerno na may interes at dapat bayaran.

Sa kabila nito, sinabi ni Enrile na ito ay isang political harrasment lamang laban kay BBM.

Dahil dito, ani Enrile mas pinalalakas nila ang kampo ni Bongbong.

Samantala, hindi naman naniniwala si Enrile na ginagamit lamang ni ‘Bongbong’ Marcos Jr. si Mayor Sara Duterte para magkaroon ito ng ka-tandem sa South.